Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Sa Batangas
SCRAP TRADER PINAGBABARIL  SA BAHAY NG KAPATID, PATAY

HINDI umabot nang buhay sa ospital ang isang scrap trader na biktima ng pamamaril ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo malapit sa bahay ng kaniyang kapatid sa Brgy. Dayap Itaas, bayan ng Laurel, lalawigan ng Batangas.

Kinilala ang biktimang si Rico Obrador, negosyanteng gumagawa ng mga scrap products, namatay habang dinadala sa Batangas Provincial Hospital dahil sa tatlong tama ng bala sa kaniyang katawan.

Pahayag ni P/Maj. Francisco Lucea IV, hepe ng Laurel MPS, kanilang iimbestigahan ang lahat ng anggulo kabilang ang mistaken identity dahil ang napatay na biktima ay kamukha ng kaniyang kapatid.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, walang kaaway si Obrador at walang kahiot anong masamang rekord sa komunidad at barangay.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na may ginagawa ang biktima sa bahay ng kaniyang kapatid nang dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na armado ng hindi tukoy na baril saka malapitang pinaputukan nang tatlong beses. (BOY PALATINO) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …