Sunday , November 17 2024
TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre
NANGUNA si P/Director General Pedro “Pete” Bulaong (ret) (gitna) kasama sina (L-R) P/Maj. Bonifacio Aporo (ret), P/Col. Julius Castelo, P/Maj. Eduardo Villanueva (ret), P/Maj. Jose Canares (ret), P/Maj. Mario Magno, at tournament director Darren Evangelista, sa kanilang pagdalo para talakayin ang isang fund-raising sports program, sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference room sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para maisagawa ang Manila Finest Golf Cup – isang fund-raising sports program – na naglalayong maisaayos at maipagawa sa isang modernong himlayan ang Libingan ng mga Pulis Maynila sa North Cemetery.

Ayon kay P/Director General Pedro “Pete” Bulaong (ret), target ng program na makalikom ng P5 milyon bilang panimulang pondo upang maisayos ang tinaguriang Manila Police Plot at maipatayo ang modernong kolumbaryo at bone creep para sa mga namayapang pulis Maynila.

“Ang atin pong pulisya ay nagserbisyo para pangalagaan ang kapayapaan at seguridad ng ating mga kababayan, kaya naman po na marapat lamang na mabigyan natin sila ng isang honorable at disenteng libingan para sa kanilang himlayan. Sa tulong po ninyo at ng mga kababayan nating nagnanais na makatulong ay isasagawa namin itong fund-raising program,” pahayag ni Bulaong sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference room.

Iginiit ni Bulaong na pansamantalang nakabinbin ang serbisyo ng Libingan ng mga Pulis dahil sa kakulangan ng sapat na espasyo at hindi na napapanahong sistema sa paglibing. Aniya, mas maraming pamilya ng mga pulis ang tiyak na makikinabang sa naturang himlayan na may sukat lamang na 890 metro sa sandalling maipatayo ang modernong kolumbaryo at bone creep.

“Kaya naman po kami ay nagpapasalamat kay Manila Mayor Honey Lacuna sa agaran niyang pagtugon sa aming kahilingan na maipaaayos ang Libingan ng mga Pulis Maynila, gayondin sa mga nilalapitan naming sponsors para sa Manila’s Finest Golf Cup na pagmumulan ng inisyal na pondo para sa naturang proyekto,” sambit ni  Bulaong, chairman ng Antigong Manila Inc.

Kasama niyang bumisita sa programa ang iba pang opisyal na organizing committee tulad nina P/Maj. Bonifacio Aporo (ret), P/Col. Julius Castelo, P/Maj. Eduardo Villanueva (ret), P/Maj. Jose Canares (ret), P/Maj. Mario Magno, P/Maj/ Alicia Santos (ret), P/Maj. Ofelia Torres (ret),  P/Maj. Lily Olayres (ret), Katherine Soledad at tournament director Darren Evangelista.

“Inspired by the leadership of the former Chiefs of Police notably Col. Eduardo Quintos, Col. Enrique Morales, BGen. Gerardo Tamayo, BGen. James Barbers, MGen, Alfredo Lim P/Dir. Hermogenes Ebdane, Jr., to name a few of giving importance to dedication, efficiency and integrity of the members of the Manila Police in crime fighting and preservation of peace they are called ‘Manila’s Finest’,” pahayag ni Aporo, pangulo ng Antigog Manila, Inc, at NMFRAI.

Ayon kay Evangelista, ang Manila’s Finest Golf Cup ay isasagawa sa 8 Disyembre sa Intramuros Golf Club at bukas para sa lahat nang nagnanais na makilahok, ngunit iginiit niyang mas mainamn na magpatala ng mas maaga para sa System 36 shotgun rules.

“Target namin 150 hanggang 170 players. Kung mapayagan tayo na maghapong magamit ang venue puwede tayong makapaglaro ng 200. ‘Yung ticket price natin ay P3,500 inclusive na ang greefee, give away, food at prizes sa awarding. ‘Yung caddies fee at golf cart and other sagot na ng players,” sambit ni Evangelista.

Iginiit ni Bulaong na bukod sa golf event, inilinya na rin ng grupo ang mga programa para sa susunod an taon kabilang ang isang konsiyerto na pangangalagaan ni Col. Castelo, ama ng sikat na singer na si Anthony, gayolndin ang fun run.

“Tulong-tulong po tayo para sa ating pulisya. They deserved an honorable and decent final resting place,” aniya. (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …