Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maja Salvador ASAP

Maja balik-Kapamilya, Kim fans umalma sa special treatment 

I-FLEX
ni Jun Nardo

BALIK-KAPAMILYA na nga ba uli si Maja Salvador dahil sa grand welcome sa kanya sa ASAP?

Isa marahil si Maja sa sinasabing kumalas sa kanilang Kapamilya noong nawalan ng franchise ang ABS-CBN. Sa GMA nakita si Maja sa Eat Bulaga at sitcom with Vic Sotto matapos ang pagkawala ng franchise  ng Dos.

Nagtayo rin ang dancer-actress ng talent management at inasikaso ang personal life.

Kaya naman marami ang nagulat nang makita sa ASAP si Maja. At ipinamalas muli ang galing sa pagsasayaw.

‘Yun nga lang, may mga fan si Kim Chiu na hindi nagustuhan ang treatment kay Maja dahil parang binalewala ang loyalty ng una na hindi iniwan ang ABS-CBN mula nang mawala ang franchise hanggang sa nakababawi na ngayon.

Naku, permanenteng interes lang ang buhay sa showbiz dahil walang permanenteng kaibigan at kaaway sa mundong ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …