PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
“THIS is what, her nth time in trying her luck in politics? I hope she makes it ,” komento ng isang TV top executive na kaibigan at isang Noranian.
Naawa raw siya na tila ‘nagpapagamit’ na naman daw si ‘bulilit’ ( tawag niya kay Nora Aunor o ate Guy) sa mga nagkumbinsi ritong maging party list nominee.
“She really is like that. Madaling mauto o utuin. She never learned her lessons na kahit noon pa, ay laging naloloko ng mga nasa paligid niya, ultimo ng mga kababayan o kaanak niya sa Bicol. What guarantee that she has this time eh let’s admit it, aside from her being a National Artist, who knows her nowadays?
“She is no longer ‘the’ Nora Aunor noong araw na super sikat, mapera, at pinagkakaguluhan. Wala naman tayong balita na nag-aral siya on public service o management?
“Much more, wala rin naman siyang track record on politics kompara sa kung anong nagawa niya sa showbiz. Believe me, nauto lang iyan ng kung sino,” ang may panghihinayang at inis na litanya ng aming kausap.
May mga netizen namang nagsasabi na may image na pa-victim o paawa si Nora Aunor dahil sa kondisyon nito ngayon.
Kitang-kita nga raw at halatang-halata ang pagkapagod sa hitsura nito during her COC filing.
Humihingal, hinahapo, at hinahabol na ang paghinga nito habang nagsasalita.
“Hirap na siyang magsalita. Paano siya mangangampanya niyan? Paano niya ipaliiwanag sa mga botante ang plataporma ng party list niya? At saka hirap na rin siyang maglakad?,” ang sunod-sunod na tanong-komento ng mga netizen.
“Well, hindi ba sabi ni Ms. Celia Rodriguez, deeper actress siya? Mata-mata lang ay nasasabi na ang message niya? Baka ganoon nga ang gagawin niya para ma-relay ang message ng kampanya niya. O ‘di ba, ‘pag makakuha siya ng boto eh ‘di magaling nga siya,” ang tila may pag-uyam namang reaksiyon ng bashers.
Pero ang pinaka-nakalolokang reaksiyon na aming nabasa ay ‘yung may kinalaman sa ‘talent fee.’
Dahil may image nga raw si Ate Guy sa showbiz na mahilig humingi ng advance payment, vale, o TF before doing a thing, work or appearance, may mga bitchy comments asking, “magkano kaya ang ibinayad sa kanya para makumbinsi siya?”
“Aaaahhhh,” ang tila naririnig naming sound mula sa isang award-winning role ni Ate Guy sa Sidhi movie.