I-FLEX
ni Jun Nardo
ANG gandang tingnan nina Vic Sotto at Coney Reyes nang samahan ang anak na si Vico Sotto para mag-file ng re-election bid bilang Mayor ng Pasig City.
Happy na si Coney sa pagiging ina ni Mayor Vico at nananatiling friends kay Vic na alam naman ng lahat na happy sa piling ni Pauleen Luna kapiling ang dalawang anak na babae.
Kahit nasa gitna ng kontrobersiya ngayon si Vico kaugnay ng mga kalaban niya, hindi naman siya natitinag lalo na’t maayos naman ang pamamalakad sa syudad.
Ang anak ng basketball legend na si Robert Jaworski na si Dodot Jaworski ang vice mayor ni Vico.
Hanggang October 9 ang last day ng filing ng certificate of candidacy sa 2025 midterm elections.
Maraming nagulat na mga filer sa iba’t ibang posisyon na mayroong may karapatan at mayroong hindi karapat-dapat base sa aming opinyon.