I-FLEX
ni Jun Nardo
NABANGGIT na sa amin ng TV host na si Willie Revillame ang bago niyang investment nang aksidente namin siyang makasalubong sa isang malaki at sikat na residential hotel sa Bonifacio Global City.
Kasama ni Willie ang ilang female hosts niya sa Wil To Win habang kami eh may event na pinuntahan para sa Bingo Plus.
Sa maiksing chikahan, ibinalita ni Willie na tumataas ang ratings ng show sa timeslot niya. Eh ang makatulong sa tao ang tanging hangarin niya sa show.
Nabanggit nga niya ang pagbili ng buong penthouse ng hotel na inilabas na rin ang isang kaibigang writer na malapit kay Willie.
Hindi muna namin isinulat ang ibinalita sa Marites University dahil sa pakiusap niya. Kaya nang lumabas na, heto at ibinahagi namin sa readers ng Hataw minus na name of the hotel.
Basta ang sabi ni Willie, investment ang ginawa niya gaya ng ibang negosyong itinayo niya.