PORMAL na nagsimula ang Southeast Asian Open Short Track Speed Skating Trophy-Manila Series 2024 sa SM Skating sa loob ng Mall of Asia sa Pasay City noong Sabado, Setyembre 28. Ang dalawang araw na kaganapan ay nagtatampok ng 90 kalahok na may edad 6 hanggang 24 taong gulang na kumakatawan sa 10 bansa mula sa Asya, kabilang ang Pilipinas, Vietnam, Singapore, China, Korea, Hongkong, Australia, India, Uzbekistan at Mongolia.
Dumalo sa seremonya si Mr Paulo Francisco Tatad, Executive Director ng Philippine Sports Commission (PSC), kasama sina Steve Hontiveros, Chairman ng Philippine Olympic Committee (POC), at Nikki Cheng, Presidente ng Philippine Skating Union.
Naroon din sa seremonya sina Myong Hi Chang, President ng Asian Skating Union, at Logaventhan Karuppannan, Deputy Chief of Mission ng Singapore Embassy.
Sa unang araw humataw agad sa INDIVIDUAL RACE sina Hans Matthew Buemio (Philippine National Athlete) ng dalawang gintong medalya sa 1500m at 500m sa Jr. B Men Category. Keirsten Layne Fernandez, Jr. D Women Category, 1000m – Gold Medal at 500m – Gold Medal. Karmelo Jonas Delicana, Jr. D Men Category 1000m -Silver Medal, 500m – Silver Medal. Sunphil Zablan, Senior Men Category, 500m – Bronze Medal. Danielle Franczeska Pascual, Jr. B Women Category 1500m – Bronze Medal, 500m – Bronze Medal. Kamille Noelle Delicana, Jr. E Girls 500m – Bronze Medal, 333m – Bronze Medal at Kurt Zymone Zurbito, Jr. F Boys 500m – Bronze Medal.
Pangalawang magkakasunod na pagho-host ng Pilipinas para sa SEA Open Short Track Speed Skating Trophy. Nakatakdang muling mag-host ang Pilipinas sa 2025. Ang pangunahing layunin ng pagho-host sa kaganapang ito ay ang pataasin ang accessibility ng mga kompetisyon hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong Timog-Silangang Asya, upang makatulong na mapaunlad ang isport sa buong rehiyon. (HENRY TALAN VARGAS)