Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Bulacan  
NEGOSYANTENG YUMAMAN SA PEANUT BUTTER ITINUMBA NG RIDING-IN-TANDEM

093024 Hataw Frontpage

ni MICKA BAUTISTA

PATAY agad ang isang negosyanteng babae matapos pagbabarilin ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng umaga, 29 Setyembre.

Sa ulat na ipinadala ng Sta. Maria MPS kay P/Col. Satur Ediong, Officer-In-Charge ng Bulacan PPO, kinilala ang biktimang si Delia Santos, 62 anyos, may-ari ng Dhel’s Peanut Butter, residente sa Brgy. Sta Cruz, sa nabanggit na bayan.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ng Sta. Maria MPS na dakong 7:50 am kahapon nang maganap ang pamamaril sa harap ng isang apartment na pagmamay-ari ng biktima sa naturang lugar.

Napag-alaman na maniningil ng bayad sa mga umuupa sa kaniyang apartment si Santos nang biglang sumulpot ang mga suspek saka siya pinagbabaril.

Ayon sa saksi, nakarinig siya ng tatlong sunod-sunod na putok ng baril na nagmula sa riding-in-tandem hanggang nakita niyang bumulagta sa lupa ang biktima na agad niyang ikinamatay.

Tumakas ang mga suspek sa direksiyon patungong Bypass Road na ngayon ay sentro ng pagtugis ng mga tauhan ng Sta. Maria MPS.

Si Santos ay dating maliit na sari-sari store owner na nagtagumpay at umaseno dahil sa kanyang produktong Dhel’s Peanut Butter. Isa siyang aktibong mananampalataya ng Members of Church of God International (MCGI) o mas kilala bilang Ang Dating Daan (ADD).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …