Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Kim Remolino Erika Nicole Burgos National Age Group Aquathlon
SI Andrew Kim Remolino at Erika Nicole Burgos ang nagwagi sa kanilang mga kategorya sa National Age Group Aquathlon. Si Remolino nakuha muli ang men's elite title sa Ayala Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite. Si Burgos nasungkit ang gintong medalya sa women's elite division. (HENRYTALAN VARGAS)

Remolino, Burgos wagi sa National Age Group Aquathlon

SI Andrew Kim Remolino ay muling naipagtanggol ang titulong men’s elite sa National Age Group Aquathlon 2024 sa Ayala Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite noong Linggo.

Si Remolino, ay mula sa Talisay City sa Cebu, ay nagtapos sa 500-meter swim at 2.5-kilometer run  sa loob ng 15 minuto at 12 segundo.

Si Joshua Alexander Ramos mula sa Baguio Benguet Triathlon ay nakakuha ng silver medal sa oras na 15:27 habang si Matthew Justine Hermosa, isa pang Cebuano, ay nakakuha ng bronze medal sa 15:39.

Sa women’s division, ang 22-taong-gulang na si Erika Nicole Burgos mula sa Tanauan City, Batangas ay nagtala ng personal best na 17:28 upang makuha ang gintong medalya sa torneyong inorganisa ng Triathlon Philippines at sa taguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Standard Insurance, Asian Centre for Insulation Philippines Inc., Le Garde, Gatorade, Fitbar at Swim.

Si Raven Faith Alcoseba, mula rin sa Cebu, ay pumangalawa sa 17:52, habang si Katrina Salazar ay pangatlo sa 18:01.

Habang, si Cheng Yu Lim mula sa Singapore ang nanguna sa men’s junior elite category sa oras na 15:19. Ang mga Pilipinong sina Dayshaun Ramos (15:52) at Juan Miguel Tayag (16:40) ay pumangalawa at pangatlo, ayon sa pagkakasunod.

Si Dhana Victoria Seda-Lomboy ay nagtala ng 19:26 upang makuha ang gintong medalya sa women’s division. Si Candace Marie Socito (20:49) ay kumuha ng pilak at si Edellaine Mae Diggs (21:30) ay nakakuha ng tanso.

Sa men’s division ng Youth (13-15 years) category, si Peter Sancho Del Rosario ay nakakuha ng gintong medalya sa oras na 13:45.

Si Diego Jose Dimayuga (14:05) ay nakakuha ng pilak at si Euan Arrow Ramos (14:17) ay nakakuha ng tanso.

Ang mga nangungunang tatlong nagtapós sa women’s division ay sina Pitchanart Sripipom ng Thailand (16:08), Filipino Christy Ann Perez (16:26), at Singaporean Nur Isabella Schiering (16:44).

Ang National Age Group Aquathlon 2024 ay bahagi ng paghahanda ng bansa para sa susunod na taon sa Thailand SEA Games. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …