Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe Guilty Pleasure

Lovi’s production nakipag-collab sa Regal

I-FLEX
ni Jun Nardo

BUWENAMANONG collaboration ng Regal Entertainment at Cest Lovi Production ni Lovi Poe ang coming movie ng Primera Aktres na Guilty Pleasure.

Tumatanaw ng utang na loob si Lovi sa Regal at kay Mother Lily Monteverde na unang nagtiwala sa kanya bilang artista.

Isang lawyer si Lovi sa movie na sina JM Guzman at Jameson Blake ang kanyang kapareha.

Eh pagdating naman sa unang international production ng film outfit, may ongoing project silang ginagawa ng asawa pero ayaw muna niyang magbigay ng detalye tungkol dito.

Natanong si Lovi kung nabayaran ba siya sa movie?

Wala siyang diretsong sagot. Sinabi lang niya na, “I am more on creative side.”

Memorable ang pelikula sa kanya dahil bago pumanaw ang manager na si Leo Dominguez, inaayos niyang mabuti ang kailangan niya rito.

Inalala ni Lovi na noong poster shoot niya sa movie, ‘yun ang araw na pumanaw si Leo kaya naman bago umalis, habang naliligo, pagsakay sa kotse at pumunta sa shoot ay umiiyak hanggang sa mamaga na ang mata niya.

I have to ask the help of my make up artist para matakpan ang namamaga kong mata dahil sa pag-iyak,” sabi ni Lovi.

Ang pagiging manager ni Leo ang isang malaking desisyon na ginawa ni Lovi dahil hindi siya pinabayaan mula nang pumasok siya sa showbiz hanggang sa bawian ng buhay!.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …