ANG Small Basketeers Philippines (SBP) – Passerelle twin tournament ay nagbabalik matapos ang apat na taong pagtigil.
Ang ika-35th na edisyon ng kumpetisyon na inorganisa ng Basketball Efficiency and Scientific Training (BEST) Center Sports, Inc., ay na itinatag ng yumaong Nicanor “Nic” Jorge noong 1972. Ang kumpetisyon na suportado ng Milo ay magsasagawa ng tatlong buwang torneo na may edad ng mula 9 hanggang 11 taong gulang sa ilalim ng SBP division, at 12 hanggang 15 taong gulang sa Passerelle division, ay isasagawa sa 11 lungsod sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Magsismula ang regional games sa Roxas City sa Oktubre 12 at magtatapos sa General Santos City sa Disyembre 27.
Ang SBP-Passerelle, na suportado ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, ay naglalayong itaas ang kasanayang pampalakasan na mahubog sa kanilang kabataan.
Ilan sa kilalang mga PBA players sa mga nagtapos ng SBP-Passerelle ay sina Kiefer at Thirdy Ravena, Jeron Teng, Kai Sotto, Kib Montalbo, at Juan at Javi Gomez De Liano. (HATAW Sports News)