I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGKAGULO sa EDSA-Guadalupe dahil sa maraming taong nakita nilang sumaksi sa unveiling ng isang mural para sa selebrasyon ng 50th Metro Manila Films Festival.
Takaw-pansin kasi ang ganda nito na nasa painting ang mukha ng top stars ng bansa na naging bahagi ng Metro Manila Film Festival.
Bukod sa mural, inanunsiyo ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang simula ng SineSigla Sa Singkuwenta sa piling sinehan ang pagpapalabas ng MMFF movies na award-winning sa halagang P50.00.
Yes, at ilan sa movies na puwedeng panoorin simula sa September 25 ay ang Jose Rizal, Insiang, Mano Po, Crying Ladies, Ang Panday (1980), Big Night, Ang Tanging Ina Mo, Minsa’y Isang Gamu-Gamo, Langis at Tubig, Blue Moon, Ang Panday (2009), Firefly at marami pang iba.
Marami pang activities na magaganap kaugnay ng 50th year ng Metro Manla Film Festival.