Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chelsea Anne Galamgam Anne Bernadette AB Bonita
SINA Chelsea Anne Galamgam 11 taong gulang at coach Anne Bernadette ‘AB’ Bonita, ng Philippine Memory Team tumatayo ring pangulo ng Philippine Mind Sports Association (PMSA). Sasabak sa Asia Open Memory Sports Championship sa Setyembre 27-28 sa Singapore Polytechnic. (HENRY TALAN VARGAS)

PH Memory Team target ang GM title sa Asian tilt

HINDI lamang medalya bagkus ang ika-anim na Grandmaster title para sa Pinoy ang target ng Philippine Memory Sports Team sa kanilang pagsabak sa Asia Open Memory Sports Championship sa Setyembre 27-28 sa Singapore Polytechnic.

Haharapin ng mga Pinoy ‘Trained-Memory’ ang mga karibal mula sa mahigit 30 bansa tampok ang powerhouse China at Mongolia, gayundin ang Japan, Malaysia, Indonesia, Myanmar at host Singapore sa torneo na itinataguyod ng Asia Memory Sports Alliance (AMSA) at Global Alliance of Memory Athletics (GAMA).

“We are confident that the Philippine Team will be bringing medals from the competition, but our main target is the GM title for our 14-year-old athlete Charles Andrei (Galamgam) in the junior division. Kung sakali, siya ang ika-anim na GM natin. He’s ready and we felt his eagerness to claim the GM title for the country,” pahayag ni coach Anne Bernadette ‘AB’ Bonita, tumatayo ring pangulo ng Philippine Mind Sports Association (PMSA) sa Tabloids Organization in Philippine Sportrs, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Rizal Coliseum VIP Room.

Target ni Charles Andrei na masundan ang landas ng nakatatandang kapatid na si Chloe Andrea na nakamit ang GM title nitong nakalipas na taon nang maging host the bansa sa naturang torneo.

Taliwas sa Chess na kinakailangang makasikwat ng GM norms para sa GM title, ang mga kalahok sa memory sports ay dadaan sa 10 kompetisyon o pagsuslit na binuo ng Random Words, Names and Faces, Speed Numbers, Marathon Numbers, Random Images, Speed Cards, Marathon Cards, Dates, Binary Digits at Spoken Numbers.

Bukod kina Charles Andrei at Chloe Andrea, kasama rin sa koponan ang nakababata nilang kapatid na si Chelsea Anne, 11, na sasabak sa torneo sa unang pagkakataon. Ang Grade 6 student  sa Victory Christian International School ay nagpakitang gilas sa programa nang kahanga-hanga niyang mamemorya at mailahad nang tama ayon sa pagkakasunod ang 30 salita na binigkas habang nakapiring ang mga mata.

“Sa simula po talagang challenging pero nagawa ko po dahil sa ensayo at sa tulong na rin po ng mga nakatatanda kong kapatid. Actually, sila po ang idol ko kaya pumasok na rin ako sa memory sports para matularan yung achievement nila,” sambit ni Galamgam.

“Focus lang po sa training, kaya naman pong pagsabayan ang ensayo at schooling,” aniya.

Kasama rin sa koponan sina Venir P. Manzalay III (11 year-old), Jessica Raine A. Rellora (12 year-old), at Angel Mikhail T. Sanchez (17 year-old).

 “Each of these young athletes has demonstrated extraordinary memory capabilities in the recent national memory championship and will be competing to prove themselves on the prestigious international stage,” pahayag ni Bonita sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Pocari Sweat.

Ayon kay Bonita, unit-unti na ring lumalawak ang komunidad ng Memory Sports at patunay ang malaking bilangng mga sumabak sa isinagawang elimination meet na nilahukan ng mga kalahok mula sa 40 koponan mual sa  metro Manila, Bulacan, Cebu, at karatig na lalawigan.

Pinasalamatan din ni Bonita ang mga sumuporta sa koponan sa paglahok sa  Asian Championship tulad ng Brain Republic nag bigay ng libreng training at ang Dr. Yanga’s Colleges Inc. (DYCI).

The Philippine Memory Team is well-prepared and eager to showcase their skills, aiming to bring home accolades and further solidify their standing in the global memory sports arena. With rigorous training the team is set to represent the country with honor and determination,” pahayag ni Bonita. (HATAW Sports News)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …