INIHAYAG ng Padel Pilipinas, ang opisyal na Padel Federation ng bansa na kinikilala ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC), ang kanilang pambansang koponan noong Biyernes, Setyembre 13 sa Play Padel Phil. sa Greenfield, Mandaluyong City.
Iprinisenta ni Head Coach Bryan Casao ang Men’s at Women’s teams, kasama sina Executive Director Atty. Jacqueline Gan, at President at Founder Senator Pia S. Cayetano.
Sa Men’s Team: Atty. Duane Santos, Derrick Santos, Argil Lance “LA” Canizarez, Raymark “Mac” Gulfo, Abdulqoahar “Qoqo” Allian, Johnny Arcilla, Mhar Joseph Serra at Francis Casey “Nino” Alcantara. Women’s Team: Senator Pia Cayetano, Tao Yee Tan, Princes Jean Naquila, Marian Capadocia at Yam Garsin.
Ang mga koponan ay makikipagkompetensya sa Asia Pacific Padel Cup (APPC) sa Bali, Indonesia, mula Setyembre 19 hanggang 22. Ang rehiyonal na paligsahan na ito ay nagdadala ng mga pangunahing talento sa padel na kumakatawan sa kanilang mga bansa mula sa buong rehiyon ng Asia Pacific.