Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Magic Voyz 2

Magic Voyz pinainit ang gabi sa kanilang grand launching

ni Allan Sancon

IPINAKILALA ang bagong sexy boy group na Magic Voyzna sina Jhon Mark Marcia, Jace Ramos, Mhack Morales, Ian Briones, Juan Paulo Calma, Johan Shane, at Rave Obado.

Uminit ang gabi sa kanilang grand launching dahil sa maiinit nilang sexy performances. At infairness naman sa grupong ito, very promising at maipagmamalaki naman ang kanilang mga talento.

Pinaghalong SB19 at Masculados ang kanilang peg sa pagpe-perform. Nag-ala Magic Mike sa stage ang grupo. 

Layunin ng grupo na mapasaya ang kanilang audiences sa pamamagitan ng kanilang pagkanta at paggiling habang naka-see through polo. 

Napuno ang Viva Cafe noong September 10, 2024 sa dami ng gustong matunghayan ang kauna-unahang performances ng Magic Voyz sa stage.  Hindi magkamayaw ang mga manonoof sa performances na ipinakita ng grupo. Maging ang mga member ng media ay napapalakpak sa galing ng kanilang perfornances.

Bukod sa latest singles nilang ‘Wag Mo Akong Titigan at Bintana, inawit ng grupo ang trending song na Maybe This Time ni Sarah Geronimo at ilan pang sexy dance covers.

Matapos ang kanilang performances ay nakapanayam namin ang grupo at naitanong kung paano sila nabuo?

Binuo po kami ng aming manager na si Kuya Lito De Guzman. Isa-isa niya kaming pinili para maging member ng grupo,” ani Jhon Mark.

Ano naman ang ipinagkaiba nila sa ibang boy group?

Bukod sa aming talent sa pagsasayaw at pagkanta, bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang magic na makikita,” pagbabahagi naman ni Mhack.

Bukod sa kanilang career bilang grupo ay may kanya-kanya ring individual career ang bawat isa. Ang ilan sa kanila ay may mga sariling pelikula sa Vivamax.

Abangan ang mga susunod nilang singles, pelikula, show sa Viva Cafe at mga out-of-town shows.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …