Sunday , December 22 2024
Her Locket  Sinag Maynila

Her Locket binigyang pagkilala rin sa international film festival

IPINAPANOOD sa members of the media ang award winning film na Her Locket,  biggest winner ng Sinag Maynila 2024 na may walong  awards—Best Film, Best Director (J.E. Tiglao), Best Screenplay (J.E. Tiglao and Maze Miranda), Best Actress (Rebecca Chuaunsu), Best Supporting Actress (Elora Españo), Best Cinematography, Best Production Design, at Best Ensemble.

Matapos ang screening ay pinalakpakan ang pelikula dahil karapat-dapat naman talagang manalo ito ng walong awards dahil talaga namang napakaganda hindi lang ng istorya maging ang pagkakagawa ni Direk J.E. Tiglao

Istorya ito ng isang Chinese mother na may sakit na dementia na nagmamay-ari ng isang locket na nagpabalik sa kanyang ala-ala ng nakaraan.

In fairness kay Rebecca, magaling siyang umarte napaka-natural ng kanyang acting gayundin naman ang indie actress na si Elora Españo portrayed the role of Teresa na tumayong caregiver ni Jewel. 

Maganda rin ang cinematography ng pelikula lalo na ang flash back nito. Ipinakita rin ang Chinese tradition sa movie.

Dahil sa ganda ng pelikula, wagi rin ang pelikula sa iba’t ibang international film festivals katulad sa Taiwan at Morocco para sa best actress. Sumali rin ang Her Locket, sa Marchie Du Film-Festival De Cannes (2023) sa France, London gayundin sa East Asia International Film Festival 2023 sa UK, at sa 22nd Dhaka International Film Festival (2024) sa Bangladesh. Invited din ang Her Locket sa San Diego Film Festival (USA) sa October 2024. (Allan Sancon)

About Allan Sancon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …