Friday , November 15 2024
EJ Obiena Milo A Homecoming
NAGKAMAYAN sina Milo Sports Executive Carlo Sampan at rank World No.3 pole vaulter na si EJ Obiena kasama si Kingsley Cena, Assistant Brand manager pagkatapos ng MOA signing bilang Milo Ambassador sa ginanap na "A Homecoming Ceremony" sa Joy Nostalg Hotel Manila sa Pasig City. (HENRY TALAN VARGAS)

A Homecoming Ceremony

Ang Milo Philippines ay nagsagawa ngayon ng isang homecoming ceremony para kay rank World No. 3  na si EJ Obiena, ang nangungunang pole vaulter ng Pilipinas.

Sa pagsisimula ng ika-60th anibersaryo noong Abril ng taong ito, inilunsad ng Milo ang pinakabago nitong disenyo ng pakete na tampok sina EJ Obiena at Hidilyn Diaz. Ngayon, ipinagdiriwang ng Milo ang mga natatanging tagumpay ni Obiena at ang kanyang pagbalik sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang pakikipagtulungan na magdadala ng isport na pole vaulting sa lumalawak na madla, habang nagbibigay inspirasyon sa mga kabataang Pilipino na tularan ang mga halaga ng Milo na kinakatawan ni Obiena: tibay at determinasyon.

Si Obiena at Milo Philippines ay nagtaguyod na magtulungan upang isakatuparan ang kanilang pinagsamang layunin na maipakalat ang teknik at pagmamahal ni Obiena sa pole vault sa mas maraming batang atleta sa pamamagitan ng nationwide network ng sports clinics ng MILO. Suportado ng Milo si Obiena sa pag-roll out ng kanyang grassroots sports program bilang pagsisikap na ipakilala sa mga batang Pilipino ang world-class na pagsasanay at pagpapalakas ng kasanayan. Naniniwala ang Milo na ang mga programang pampalakasan ni Obiena ay magbibigay sa mga kalahok ng kinakailangang katangian at mga pagpapahalaga upang magtagumpay sa buhay, at posibleng makabuo pa ng susunod na henerasyon ng mga Filipino pole-vaulters na isang araw ay magtatanghal ng watawat ng Pilipinas sa mga internasyonal na kompetisyon.

Nakatakdang lumahok Obiena sa World Indoor Championships sa Nanjing, China sa Setyembre at sa World Championships sa South Korea.

Hangad ni Obiena na muli siyang maqualify sa susunod na Olympics sa Los Angeles, USA sa 2028. (HATAW Sports Team)

About Henry Vargas

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …