Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Pagamutan ng Dasmariñas, Cavite
BABAENG PASYENTE PINAGBABARIL SA EMERGENCY ROOM

083024 Hataw Frontpage

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isang babaeng pasyente ang pinagbabaril hanggang mamatay ng tatlong armadong lalaki habang nasa emergency room ng isang pampublikong ospital sa Dasmariñas City, Cavite, kahapon ng madaling araw, Miyerkoles, 28 Agosto 2024.

Kinilala ang biktimang namatay na si Chatty Timbang, nasa emergency room ng Pagamutan ng Dasmariñas, nang biglang pumasok ang isa sa tatlong armadong lalaki at pinaputukan nang maraming beses ang biktima dakong 3:10 am.

Ang ina ng biktima na natutulog sa tabi ng kanyang anak ay tinamaan din ng bala sa kanyang kanang hita.

Habang paalis ang gunman sa pinangyarihan ng krimen, dalawa pang biktima, kinilala sa pangalang Abdul Batua at Nedia Vasque, ang binaril din ng suspek na tinamaan ng bala sa kanang braso at kanang paa.

Tumakas ang gunman at mga kasama sa pamamagitan ng dalawang nakaparadang motorsiklo at humarurot patungo sa Congressional Ave., Area 1, Dasmariñas City.

Sinabi ni Lt. Col. Julius Balano, hepe ng pulisya ng lungsod, isa sa tatlong salarin, kinilalang si Jericho Regino, 22, residente sa Confederation Drive, ay naaresto sa hot pursuit operation sa kalapit na barangay dakong 10:00 am.

Ani Balano, inamin ng suspek ang kanyang partisipasyon sa krimen at nagpahayag ng extrajudicial confession.

Ibinunyag din ng suspek sa mga awtoridad ang kanyang dalawang kasabwat.

Sinabi ni Balano, nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng krimen habang inihahanda ang pagsasampa ng mga kasong Murder at Multiple Frustrated Murder. (RODERICK PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …