Friday , November 15 2024
Roll ball angkop para sa mga atletang Pilipino
SINA PRBA president Tony Ortega (kaliwa) coach Jayson Seneres at PRBA Director Clyde Arcosa panauhin sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) 'Usapang Sports. (HENRY TALAN VARGAS)

Roll ball angkop para sa mga atletang Pilipino

Isang bagong sport na tinatawag na roll ball – isang kumbinasyon ng skating at basketball – ang umuusbong ngayon sa Asya at ilang bahagi ng mundo at sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang tanging bansa sa Southeast Asia na kinikilala ng International Roll Ball Federation (IBRF) nakabase sa India.

Sinabi ng pangulo ng Philippine Roll Ball Association, Inc. (PRBA) na si Tony Ortega na ang roll ball sa pamamagitan ng pagkilala at awtorisasyon ng IBRF ay nagtatatag sa ngayon ng pagiging lehitimo nito sa bansa at  sa lalong madaling panahon ay maging bahagi ng Philippine Olympic Committee (POC).

“Ang International Roll Ball Federation ay nagbibigay sa amin ng pagkilala at awtorisasyon na ipalaganap ang palakasan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa Timog-silangang Asya din. Naisumite na namin ang handbook ng laro at mga teknikal na panuntunan sa Opisina ni Commissioner Wawit Torres. We also in partnership with the Local Government Unit (LGUs) para mas madali yung mga activities na ginagawa namin sa mga barangay aside from the community ng roller skaters,” said Ortega during the Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ na itinataguyod ng Behrouz Persian Cuisine, Pocari Sweat at Philippine Sports Commission.

“Sa ngayon, mayroong higit sa isang libong skating club at komunidad sa buong bansa. Una, kailangan natin ng mga skater para kumbinsihin silang pumasok sa roll ball. May mga 500 na kaming players na regular na naglalaro sa Amoranto stadium sa Quezon City,” added Ortega who was joined in the session with interim coach Jayson Seneres and PRBA Director Clyde Arcosa.

Sinabi ni Ortega na ang kanyang grupo ay nagsagawa na ng mga clinic, seminar at iba pang campaign activities sa Gen. Santos, Davao, Malabon, Cavite at Batangas para ipakilala ang laro.

Binubuo ng maximum na 15 na manlalaro sa bawat  koponan ang kailangan sa roll ball na may anim na manlalaro sa magkabilang panig kasama ang goalie. Gamit ang junior-size na basketball, ang mga manlalaro ay may 3 segundo kapag huminto sa pag-dribble para ipasa ang bola sa teammate para maiwasan ang violation.

“Parang football at basketball kailanga mong maka-goal para sa iskor. Bale 40 minutes and playtime, 20 minutes isang quarter,” ani Ortega.

“Maganda ang reception sa mga activities namin. This is just the beginning and crucial steps para mapatatag namin ang PRBA at maisubmit namin sa POC for membership Then, ayusin din namin na magkaroon ng asosasyon sa Southeast Asia. Sa ngayon, Indonesia, Malaysia at Singapore meron na ring community ng roll ball,” dagdag ni Ortega.

Sinabi ni Seneres, isang resident skating coach sa Fishermall Malabon at Quezon City, na ang pag-ibig ng mga Pinoy sa basketball na sinamahan ng natural na talento sa skating ay isang kalamangan.

“Yung roll ball kasi kailangan strength and stamina, yung pagkamahilig natin sa basketball advantage yan,” said Seneres.

Ang mini-tryout para sa Philippine Team ay ginagawa na sa ilang probinsiya at pangunahing lungsod na sinusundan ng National tryouts na itinakda sa Oktubre 12, 19 at 26 sa Fishermall Malabon at Quezon City. (HATAW News Team)

About Henry Vargas

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …