I-FLEX
ni Jun Nardo
CRUSH ng aktor na si LA Santos ang aktres na si Kira Balinger. Aminado siya sa feelings niya.
Eh dahil magkakilala na, napunta sa friendship ang samahan nila at nakatulong sa paggawa nila ng pelikulang Maple Leaf Dreams ng 7K Productions mula sa direksiyon ni Benedict Mique na siyang nagdirege ng Netflix hit series na Lolo & The Kid.
Reaksiyon ni Kira, “I am very comfortable with LA. Smooth ang naging shoot namin ng movie sa Canada. Hardships ng isang young couple at success nila sa Canada ang kuwento ng movie.”
Para ma-feel ng sitwasyon ng mga Pinoy sa Canada, pumunta sa bansa si direk Mique para gawin ang ilang trabaho ng mga Pinoy doon gaya ng office worker, food attendant at iba upang maging realistic ang feel ng movie na mapapanood sa sinehan sa September 25.