I-FLEX
ni Jun Nardo
REGALONG concert ang handog ng five-man indie/pop/alternative rock band na December Avenue sa 15th year nila sa music industry.
Sa August 30 sa SM MOA Arena ang concert at halos sold out na ang ibang sections ng venue.
Sa totoo lang, Spotify’s Most Streamed Artist noong 2019 ang grupo na nasa likod din ng Most Streamed Album of All Time ang awitin nilang Langit Mong Bughaw.
Ang banda rin ang kumanta ng Kung Di Rin Lang Ikaw featuring Moira de la Torre na theme song sa Kathryn Bernardo at Alden Richards hit movie na Hello, Love, Goodbye.
Wishing sila na sila pa rin ang makuhang kumanta sa OST ng sequel ng movie na Hello, Love, Again.
Binubuo ang grupo nina Zel Bautista on vocals at acoustic guitars; Jet Danao on drums and backing vocals; Don Gregorio on bass guitar; Jem Manuel on lead guitars; and Gelo Cruz on keyboards and backing vocals.
Sa MOA concert ng December Aveue, ang Okada Manila ang kanilang official residence.