I-FLEX
ni Jun Nardo
TULOY pa rin ang Wil To Win ni Willie Revillame ayon kay Cindy Miranda na sa isa co-hosts sa show nang matanong siya sa mediacon ng Viva movie na 40 mula sa direksiyon ni Dado Lumibao.
“Number one kami sa social media. Eh sa TV, malakas ang ‘Family Feud.’ Pero kahit ganoon, hindi mawawala ang show in two weeks of a month,” pahayag ni Cindy.
Sa Viva movie na 40, first time nilang magkasama ni Kiko Estrada. Bukod dito, marami pa siyang trabaho kaya nananatiling single pa rin.
Ayon sa director, malakas ang chemistry sa screen nina Kiko at Cindy at kaabang-abang ang kanilang apat o limang kissing scenes lalo na noong umikot na ang kamera dahil madarama ang pagmamahalan nila.
Pero ayon kay Kiko, mas umiral amg respeto sa samahan nila ni Cindy kaya hindi niya ito pinormahan.