BONGGA talaga ang pagdiriwang ng 50th Anniversary ng Metro Manila Film Festival ngayong taon dahil bukod sa pagpili ng magagandang pelikulang isasali sa MMFF 2024 ay magkakaroon sila ng mga makabuluhang activities.
Isa nga rito ang pagkakaroon ng mural paintings ng mga previous classic film posters na kasali sa mga nakaraang MMFF.
Kahapon, August 15, 2024 ay nagkaroon ng MOA signing ang iAcademy at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pangunguna ni Chairman Romando Artes at ng iAcademy President/CDO Ms.Raquel Wong para sa mural paintings sa EDSA. Mahigit 2,000 estudyante ng iAcademy ang magpapakita ng gilas sa pagpinta ng mga classic movie posters ng mga dating MMFFmovies.
“Ang proyektong ito ay hindi lang pagpapaganda ng walls sa Edsa sa pamamagitan ng art works para sa advocacy ng MMDA na mapaganda ang City, at the same time ay para mai-promote ang 50th anniversary ng MMFF ngayong taon sa pamamagitan ng pagpipinta sa wall ng EDSA ng mga lumang posters ng mga past classic movie na kasali sa MMFF na nakita sa mga sinehan noon,” pahayag ni Chairman Artes.
“This program of MMDA really symbolizes our shed commitment and using creatively to enhance public spaces and the artworks of our students will showcase not only their skills to the Filipino life, community and the creativity that Filipino creatives really manifest. So we hope, and we’re excited to show that at least our personal, inspire and remind everyone that our creative collaborations in shaping urban environment. We’re very very excited to MMDA for these trust to us,” pagbabahagi naman ni Ms. Wong.
Magsisimula nang mag-painting ng mga iAcademy student sa September 10, 2024. Kaabang-abang talaga ang mga programang ikinakasa ng MMDA ngayong taon para sa pagdiriwang 50th anniversary ng MMFF. (Allan Sancon)