Sunday , December 22 2024

 ‘Paihi’ sinisilip sa 3 motor tanker na lumubog  sa Bataan

IPINAHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo, 4 Agosto, na iniimbestigahan nila ang tatlong sasakyang-dagat na responsable sa oil spill sa Bataan kung sangkot sila sa oil smuggling o ‘paihi’.

Ayon kay PCG National Capital Region (NCR) -Central Luzon spokesperson Lt. Comm. Michael John Encina, inaalam ng kanilang investigating team ang tunay na dahilan kung bakit nasa karagatan ng Bataan ang lumubog na MT Terranova, ang MTKR Jason Bradley, at MV Mirola bago nangyari ang mga insidente.

Sa ilalim ng sistemang ‘paihi’, ang langis mula sa isang malaking sisidlan ay inililipat sa mas maliliit na sasakyan sa dagat upang maiwasan ang pagbabayad ng buwis.

Dagdag ni Encina, hindi nila binabalewala ang mga ganitong ulat kaya maingat silang nakikipag-ugnayan sa ibang ahensiya upang tulungan sila sa mga naunang reperensiya ng mga nasabing barko.

Noong 25 Hulyo, tumaob at lumubog ang MT Terranova sa layong 3.6 nautical miles sa silangan ng Lamao Point sa Limay, Bataan na isang tripulante ang iniulat na namatay.

Samantala, ang MTKR Jason Bradley — isa pang barko na lumubog sa karagatan ng Mariveles, Bataan noong 27 Hulyo — ay may dalang 5,500 litro ng diesel at napag-alamang may mga tagas din.

Ang ikatlong sasakyang pandagat, ang MV Mirola 1, ay sumadsad malapit sa baybayin ng bayan ng Mariveles at may nakitang langis na umaagos sa karagatan mula sa mga tangke sa loob nito.

Sinabi ni Encina na ang mga kompanya ng mga sasakyang ito ay nakikipagtulungan sa mga awtoridad kasunod ng tatlong magkakahiwalay na insidente. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …