Sunday , April 6 2025
BBM Bongbong Marcos

PBBM nagsagawa ng konsultasyon  
P895-M PLUS PINSALA NG BAGYONG CARINA

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kasama ang ilan sa kanyang mga gabinete kina Gobernador ng Bulacan Daniel Fernando at iba pang pinuno ng lokal na pamahalaan sa lalawigan upang tingnan mismo ang sitwasyon at ihayag ang mga tulong para sa mga Bulakenyong naapektohan ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina.

Sa situational briefing na ginanap sa Benigno Aquino, Sr., Session Hall sa loob ng Kapitolyo ng Bulacan, sinabi ng pangulo na karagdagang water impounding facility na sasalo ng tubig na nagmumula sa matataas na lugar tuwing tag-ulan at pagmumulan ng tubig at irigasyon tuwing tag-araw ang solusyon sa problema sa pagbaha ayon na rin sa payo ng hydrology experts.

“Ang talagang pinagmulan ng baha, hindi ‘yung masyadong ulan kundi ‘yung bumabang tubig. Ang laki ng bumabang tubig sabay-sabay, bigla. Hindi na nakayanan ng ating slope protection, flood control, mga dike,” anang pangulo.

Samantala, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na 90,086 family food packs ang ipinamahagi na sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan, habang ang karagdagang 109,781 ay inaasahang maibibigay sa loob ng linggong ito.

Gayondin, nangako si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma ng P46 milyong halaga ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa lalawigan.

Sa kabilang banda, iniulat ni Fernando na lahat ng apat na lungsod at 20 bayan ng lalawigan na apektado ng pagbaha ay nagresulta sa higit P895 milyong kabuuang pinsala kabilang ang P789 milyon sa impraestruktura, P103,775,818.85 sa agrikultura, at pangisdaan, at P2,091,600 sa livestock at poultry.

Dagdag ng gobernador, lolobo pa ang halagang ito sa mga susunod na araw dahil isinasagawa pa rin ang pagtatasa sa iba pang mga lugar.

Aniya, 1,679,973 indibiduwal o 492,932 pamilya ang apektado sa Bulacan.

Bagaman ang pangunahing alalahanin sa ganitong mga panahon ay disaster preparedness, risk reduction, relief, at recovery, idiniin ni Fernando na nakatutok ang pamahalaang panlalawigan sa pangmatagalang solusyon sa deka-dekada nang problema.

“Kung hindi nga lamang po sa masungit na panahon ay nakatakda na sana nating simulan ang Bulacan River Restoration Program to be led by  engineers, environmental experts, and geologists sa ilalim ng inter-agency committee katuwang ang DENR at DPWH,” anang gobernador.

Bukod sa Bulacan, narinig rin ng pangulo ang ulat mula kina Pampanga Governor Dennis Pineda at Bataan Governor Jose Enrique Garcia III hinggil sa kalagayan ng kani-kanilang lalawigan sa gitna ng sakuna. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …