Saturday , December 21 2024
Keita Kurihara Renan Portes
MAKIKITANG lumuhod si Japanese fighter Keita Kurihara sa harap ng nakaupong si Pinoy boxer Renan Portes upang humingi ng paumanhin nang ideklara siyang panalo ng mga hurado sa pamamagitan ng split decision sa kanilang bantamweight non-title bout noong Lunes, 22 Hulyo, sa Korakuen Hall sa Japan. (Mga retrato mula sa Facebookaccount na Trending Now/Edmond Lapitan Dellosa)

Desisyon ng mga hurado hindi tinanggap
JAPANESE PUG IDINEKLARANG WAGI TUMANGGI, SORRY HININGING NANIKLUHOD SA PINOY BOXER

ni MARLON BERNARDINO

TUMANGGI si Japanese fighter Keita Kurihara na tanggapin ang desisyon ng mga hurado na nagdedeklarang panalo siya laban kay Filipino boxer Renan Portes sa kanilang bantamweight non-title bout noong Lunes, 22 Hulyo, sa Korakuen Hall sa Japan.

Sa laban ng dalawang bihasang sluggers nanalo ang 31-anyos Japanese boxer sa pamamagitan ng split decision.

Ibinigay ni Judge Toshio Sugiyama at Shuhei Terayama ang laban kay Kurihara na may magkatulad na 78-74 scores, habang si Katsuhiko Nakamura ay nagbigay ng 78-74 para sa Pinoy (Bukidnon boxer) na si Portes.

Sa pakiramdam na hindi siya karapat-dapat sa panalo, si Kurihara, isang Oriental at Pacific Boxing Federation bantamweight champion, ay umiling at umiyak kaagad pagkatapos ipahayag ang desisyon.

“I didn’t win!” sabi ni Kurihara.

“My punches missed their target and I was spinning around. I got hit quite a lot. It was the worst possible situation and I was completely defeated,” pag-amin ni Kurihara.

Mabilis na pumunta si Kurihara sa locker room ni Portes at sinabing magpoprotesta siya at hihingi ng repaso sa laban sa desisyon.

Napabuti ni Kurihara ang kanyang rekord sa 19 panalo, kabilang ang 16 knockout, laban sa walong talo at isang tabla, habang si Portes ay nahulog sa 13-17 win-loss tally na may anim na KOs.

Sa rami ng emosyong dumaloy, kinuha ng Japanese fighter ang mikropono at idiniin kung ano talaga ang nararamdaman niya sa laban – kahihiyan at pagpapakumbaba upang humingi ng tawad kay Portes.

“I was treated as the winner in the end, but I lost. It’s embarrassing that I was declared the winner. I’m really sorry,” buong kahihiyan at kababaang-loob na pahayag ni Kurihara.

About Marlon Bernardino

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …