I-FLEX
ni Jun Nardo
IDINAHILAN ni Jennylyn Mercado ang anak na si Jazz kaya hindi siya nakadalo sa GMA Gala event ayon sa report.
Nahilingan daw ng anak na huwag siyang umalis. Eh alam naman natin ang katayuan ng anak ni Jen kaya siya raw ang dahilan kaya hindi siya nakapunta sa GMA Gala.
Bale second time nang absent si Jen sa GMA event. Unavailable raw siya sa shoot ng GMA Station ID.
Pero sa isang event na endorser si Jen, present, huh!
Ay may production na pala sila ng asawang si Dennis Trillo kaya ‘yun ang kasagutan kung bakit wala siya sa event ng network na nagbigay sa kanya ng maraming break sa showbiz career, huh!