Sunday , December 22 2024
Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess
IPINAKITA ni GM elect at IM Daniel Maravilla Quizon tangan ang championship trophy plus top purse worth P80,000 (gitna) kasama sina (mula kaliwa) NA Ferdinand Reyes Jr., PCAP Founder/Commissioner Atty. Paul Elauria, PCAP Chairman Michael Angelo Ong Chua , GM Rogelio “Joey” Antonio , Jr. (3rd place), FM Ellan Asuela (2nd place), Monique Castañeda (Marketing of AVP-Head of Marketing of Ortigas Malls), Sheila Marie Perez (Associate Marketing Manager of Ortigas Malls), at Tournament Director Coach Hubert Estrella.

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa sa mga nangungunang chess player ng Filipinas nang pamunuan niya ang Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Tour of Champions Grandfinals sa Greenhills Mall sa San Juan City nitong Linggo.

Nadaig ng Dasmariñas City, Cavite top player si FIDE Master Ellan Asuela sa blitz at rapid play sa finals para makuha ang P80,000 cash prize at magkampeon sa 12-man field na inorganisa ng PCAP at pinahintulutan ng Games and Amusement Board.

“I’m very happy to win again, especially in a major tournament like this,” ani Quizon na suportado ang kampanya nina mayor Jenny Barzaga, councilor Kiko Barzaga at national coach FIDE Master Roel Abelgas.

“I would like to thank mayor Jenny Barzaga, councilor Kiko Barzaga and national coach FIDE Master Roel Abelgas  for supporting my participation in the Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Tour of Champions Grandfinals,” dagdag ni Quizon na sariwa pa sa pagkakampeon sa 2nd Gov. Henry S. Oaminal Open Rapid Chess Tournament na ginanap sa AYA Hotel and Residences sa Clarin, Misamis Occidental nitong 10 Hulyo.

Kinakailangan ni Quizon na mapataas ang kanyang standard rating sa 2460 tungo sa 2500 para makompleto ang GM title status.

Tinalo rin ni Quizon si 13-time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio, Jr., sa blitz at rapid play sa semis.

Samantala, namayagpag si Asuela kay Kevin Arquero sa final four matchups.

Sina Quizon at Asuela ay nakapasok sa semis matapos manguna sa preliminary round.

Sina Antonio, Jr. at Arquero ay nakapasok sa semifinals matapos talunin ang kani-kanilang katunggali.

Tinalo ni Antonio si International Master Chito Garma habang wagi si Arquero na ginulat si FIDE Master Austin Jacob Literatus sa Quarter-finals.

Sa battle for third ay panalo si Antonio laban kay Arquero.

Natangap ni Asuela ang P30,000, nakamit ni  Antonio ang P20,000, at nag-uwi sina Arquero, Literatus, at Garma ng tig P5,000.

Ang iba pang notable woodpushers na lumahok sa torneo ay sina IM Kim Steven Yap, IM Joel Banawa, Mark Kevin Labog, Virgen Gil Ruaya, John Philip Gabuco, at Omar Bagalacsa.

Mismong sina PCAP Founder/Commissioner Atty. Paul Elauria, PCAP Chairman Michael Angelo Ong Chua,  Monique Castaneda (Marketing of AVP-Head of Marketing of Ortigas Malls), Sheila Marie Perez (Associate Marketing Manager of Ortigas Malls) and Tournament Director Coach Hubert Estrella, at Sportsman Jessie Villasin ang nanguna sa closing rites.

Suportado rin ng PCWorx, The Michael Angelo Foundation Inc., sa pakikipagtulungan ng HubzStar Chess Center at ng Greenhills Mall ang nasabing PCAP tourney.

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …