Thursday , December 19 2024
Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla
NAKAMIT ng bagitong manlalangoy na si Jean Richeane Dela Cruz (kaliwa) ang tatlong gintong medalya sa kaniyang age class habang kumampay si Aldrin Alinea, 10 anyos, ng dalawang panalo para angkinin ang Most Outstanding Swimmer (MOA) awards sa 2024 Speedo Novice at Sprint Meet nitong Sabado, 20 Hulyo, sa Teofilo Yldefonso Swimming pool sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang tatlong gintong medalya sa kani-kanilang age class habang kumana si Aldrin Alinea nang dalawang panalo para angkinin ang Most Outstanding Swimmer (MOA) awards sa 2024 Speedo Novice at Sprint Meet nitong Sabado sa Teofilo Yldefonso Swimming pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila.

Ang 15-anyos na si Dela Cruz, protégé ng Atlantean Dolphin Swim Team, ay nakakolekta ng panalo sa girls 15-yrs 25-meter backstroke (18.58), 25m butterfly (18.06) at 100m freestyle (1:20.16).

Tinalo ni Dela Cruz si Trinity Uy ng Betta Caloocan (23.60) at Nhicka Regalado ng Atlantean (24.26) sa backstroke; pagkatapos ay dinaig sina Regalado (21.82) at Uy (24.92) sa butterfly bago natapos ang kanyang dominasyon sa panalo sa freestyle laban kay Regalado (1:37.14) at Uy (1:39.85).

Sa kanyang bahagi, nanalo si Nialla, 14, ng Torpedo Swim sa girls’ 14-yrs class ng parehong event na nagtala ng 22.66, 20.44, at 1:29.09, ayon sa pagkakasunod, sa meet na inorganisa ng Speedo at sanctioned ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa suporta ng Philippine Sports Commission (PSC).

Naungusan ni Nialla sina Shyvonne Mangonon ng Torpeedo (24.47) at Gabrielle Kristen Suarez ng Atlantean (27.92) sa back, pagkatapos ay namayani kina Amor Maniquis ng Coach Roy Swim (24.31) at Mangonon (26.85) sa fly, saka tinalo sina Maniquis (1:50.88) at Mangonon (2:05.05) sa freestyle.

Ang 10-anyos na si Alinea ng RSS Dolphins ay nangibabaw sa boys 10-yrs class 100m freestyle (1:40.14), at 25m butterfly (26.68).

“Natutuwa kami sa rami ng mga kalahok na nagmula sa iba’t ibang swimming club sa National Capital Region (NCR). Nagpapakita ito ng tunay na pagpapahalaga ng ating mga miyembro na palakasin ang kanilang mga programa mula sa pagsasagawa ng mga summer camps at clinics, pagkatapos sa mga kompetisyon hanggang sa elite level,” ani PAI Secretary-General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain.

Hinamon din ng two-time Olympian at Philippine Sports Hall-of-Famer ang mga club coach na doblehin ang kanilang pagsisikap sa paghahanda ng kanilang mga manlalangoy para sa darating na dalawang National tryout na nakatakda sa 15-18 Agosto (long course) at 20-23 Agosto (short course) sa parehong venue ng RSMC.

Ang mga long course trials ay gagamitin para sa pagpili ng mga miyembro para sa Philippine Team na nakatakdang lumahok sa 46th Southeast Asian Age Group Swimming Championships sa Disyembre, ang 55th Singapore National Age Group at ang 6th Malaysian Open Swimming na parehong naka-iskedyul sa susunod na taon, habang ang short course trials ang magiging batayan para sa komposisyon ng Nationals sa World Aquatics short course series.

Ang iba pang nagwagi ay sina Miguel Sison sa boys 100m freestyle (1;25.96), Paul Andrei Montes 15-yrs 100m free (1:16.50), Mikhail Vallestor 16-yrs (1:23.64), Pauline Zalameda sa girls 17-over 100m free (1:27.07), Candice Loraine Dia girls 110yrs 25m butterfly (21.44), Adelle Franchesca Tapucol 12-yrs (18.69), Jensen Flores 13-yrs (21.07), MJ Reyes 12-yrs 100m free (1:126m free) at Zoe Valera 13-rs 100m free (1:27.93). (HATAW News Team)

About Henry Vargas

Check Also

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …