Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney
INAANYAYAHAN ni PAI Secretary-General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang lahat ng swimming club na ilahok ang kanilang mga batang atleta para sa dalawang araw na torneo ng 2024 Speedo Swim Smart Novice and Sprint Meet sa Hulyo 20-21. (HENRY TALAN VARGAS)

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 Speedo Swim Smart Novice and Sprint Meet sa Hulyo 20-21 sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa loob ng pamosong  Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila.

Tinatawagan ni PAI Secretary-General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang lahat ng swimming club na ilahok ang kanilang mga batang atleta para sa dalawang araw na kaganapan na puno ng saya at sigla. Ang mga mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan ay hinihikayat din na makilahok nang walang bayad.

“Ang tournament na ito ay para sa mga bata lalo na sa mga nagmumula sa mga summer camp at swimming lessons. Pagkakataon ito ng ating mga coaches at swimming club’s member na makita yung early development sa mga tinuruan nilang swimmers. Walang pressure dito, kaya tiyak masaya ito at mage-enjoy ang lahat,’ sambit ng two-time Olympian and Philippine Sports Hall of Famer.

Ipinarating ni Buhain ang kanyang pasasalamat sa suporta ng Speedo at ng Philippine Sports Commission (PSC) dahil ang event ay bahagi ng intensive level-up at promotion activities ng PAI para sa grassroots development program sa bansa.

Samantala, pinaalalahanan ni Buhain ang mga interesadong manlalangoy na ang deadline para sa pagsusumite ng ‘letter of intent’ para makasama sa delegasyon ng Pilipinas sa Asian Open Schools (AOSI) Short Course Championship ay sa Biyernes na (Hulyo 19).

Ang torneo ay nakatakda sa Agosto 17-18 sa Assumption University Aquatics Center sa Bangkok, Thailand. Ang kaganapan, na inorganisa ng World Aquatics-sanctioned Global Aquatics na nakabase sa Thailand ay magsisilbing opisyal na qualification tourney para sa Belgium Short Course Championships ngayong taon at ng 6th Asian Indoor and Martial Arts Championships.

Sa pamamagitan ng partnership ng PAI at Global Aquatics, naglaan ang Thailand organizer ng 50 slots para sa Philippine Team.

“Nakaka-inspire na ang AOSI ay naglaan ng 50 slots partikular para sa mga manlalangoy mula sa PAI, na nagpapakita ng malakas na partnership sa pagitan ng dalawang organisasyon. Susuportahan din ng PAI ang mga kalahok nito sa pamamagitan ng pagpapadali sa kanilang eligibility para sa travel tax exemption sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC),” ayon kay PAI Executive Director Anthony Reyes.

Lahat ng interesadong manlalangoy ay kailangang magpadala ng ‘letter of intent’ sa [email protected]. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …