Saturday , November 16 2024
kidlat patay Lightning dead

Sa lalawigan ng Quezon 
MAGSASAKA PINANINIWALAANG NAMATAY SA TAMA NG KIDLAT

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA — Natagpuang patay ang isang lalaki na hinihinalang tinamaan ng kidlat sa Barangay Casasahan Ibaba, Gumaca, Quezon nitong Lunes ng hapon.

Ilang sandali bago mag-6:00 ng gabi, nagresponde ang mga pulis ng Gumaca sa tawag ng mga residente na nagsabing may natagpuang bangkay ng lalaki sa isang bukid at posibleng tinamaan ng kidlat.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ni Jay-Ar Canayong, ang bangkay ng kanyang tiyuhin na si Fernando Pagatpat, 59 anyos, magsasaka at tubong Sampaloc, Quezon, na nakahandusay.

Ayon sa pulisya, may indikasyon na ang biktima ay tila nakoryente sa kanang braso.

Sinabi ng misis ng biktima, ang kanyang asawa ay umalis ng kanilang bahay bandang 6:00 ng umaga nang araw na iyon upang pakainin ang kanilang mga alagang hayop ngunit hindi na bumalik.

Hindi kinompirma ng pulisya ang opisyal na dahilan ng pagkamatay ng biktima. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …