Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tristan Jared Cervero Chess
ITINULAK ng pangulo ng Marikina Chess Federation na si Johnny “Joel” Gaudia (kaliwa) at Isagani De Ramos ng Barangka Chess Club ay ang ceremonial moves bilang hudyat ng pagbubukas ng 1-day chess tournament na ginanap nitong nakaraang Sabado, 6 Hulyo 2024, sa Barangka, Marikina City. (MB)

Cervero naghari sa Marikina chess tournament

Marikina City — Naghari si Tristan Jared Cervero, isa sa mga nangungunang manlalaro ng Ateneo de Manila University chess team sa Barangka Chess Club tournament na ginanap nitong nakaraang Sabado, 6 Hulyo 2024, sa Barangka, Marikina City.

Nasungkit ni Cervero ang titulo ng face to face tournament tilt na inorganisa nina Restie Roxas at Isagani De Ramos ng Barangka Chess Club sa pakikipagtulungan ni Marikina Chess Federation president Johnny “Joel” Gaudia matapos irehistro ang pinakamataas na output ng perpektong 7.0 puntos.

Pumangalawa si Jonathan Trajano na may 6.0 puntos, kasunod ang solong pangatlo na si Clord Bragais na may 5.5 puntos, habang sina Felix Julius Caesar, James Joshua Padua, Lord James Malveda, Light Maranan, at John Khedev Argarin ay omokupa sa pang-apat hanggang siyam na puwesto na may tig-5.0 puntos. Si John Khedev Argarin ay nagtapos ng solong ika-sampu na may 4.5 puntos.

Ang nahusgahang mga nanalo sa kategorya ay sina Jan Michael Ellar Jr. (Top Junior), Llewelyn Aries Alan (Top Female) at John Deaniel Basiya (Top Kiddie). MARLON BERNARDINO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …