Tuesday , April 15 2025
Jan Emmanuel Garcia Xiangqi
NAKIPAGKAMAY si Xiangqi Grandmaster Asi Ching (kaliwa) kay Xiangqi Master Jackson Hong sa isang ceremonial moves bilang hudyat ng pagbubukas ng 17th Philippine Xiangqi Open Tournament tampok ang Thousand Islands Cups na ginanap sa Philippine Xiangqi Federation headquarters, Room 806 Dasma Corporate Center, 321 Dasmariñas St., Binondo, Maynila kahapon, 7 Hulyo 2024. Nasa larawan sina VP Ben Jen Kwok, Philippine Xiangqi Federation President Wilson Zhou, former President Johnson Cu, former President Manuel Tan, VP Tan Peyton at VP Ryan Chua. Makikita si Jan Emmanuel Garcia sa hiwalay na larawan. (MB)

ADMU chess team program Head Jan Emmanuel Garcia nanatili sa tuktok ng liderato

Standing After Round 3: (Group B)
3.0 points — Jan Emmanuel Garcia, Wang Sing, Cai Jiu Bing
2.5 points — Willy Cu, Tony Lim
2.0 points — Rodel Jose Juadinez, Chen Ciao Fung, Liu Ze Hung, Shi Jing Yu, Wu Wei Xin, Wu Peng Fei
1.5 points — Isaiah Gelua, Darwin Padrigone

Standing After Round 2: (Group A)
2.0 points — Asi Ching
1.5 points — Jerry Lim, Jackson Hong, Manuel Tan

MANILA — Giniba ni Jan Emmanuel Garcia si Rodel Jose Juadinez para manatili sa tuktok ng liderato kasama sina Wang Sing at Cai Jiu Bing pagkatapos ng Round 3 ng 17th Philippine Xiangqi Open Tournament na binansagang Thousand Island Cups sa Philippine Xiangqi Federation headquarters, Room 806 Dasma Corporate Center , 321 Dasmarinas St., Binondo, Maynila nitong Linggo, 7 Hulyo 2024.

Ipinakita ni Garcia, isang 28-anyos International Master sa Chess ang kanyang malawak na kaalaman sa opening at ang kanyang napakahusay na diskarte sa Xiangqi upang payukuin ang 62-anyos na si Juadinez tungo sa 3.0 puntos upang mapanatili ang kanyang mahigpit na pagkakahawak sa nangungunang puwesto sa Group B.

“I hope I can sustain the momentum,” sabi ng Ateneo de Manila University chess team program head na si Garcia na tinalo rin sina Chen Xuan Ren at Isaiah Gelua sa first two rounds.

Nakabuntot naman na may tig 2.5 puntos sina Willy Cu at Tony Lim.

Samantala, nakamit ni Xiangqi Grandmaster Asi Ching ang solong liderato sa Group A na may 2.0 puntos matapos ang Round 2 at angat ng kalahating puntos kina Jerry Lim, Jackson Hong, at Manuel Tan na may tig 1.5 puntos.

Una rito, sina Xiangqi Grandmaster Asi Ching at Xiangqi Master Jackson Hong ay nagsagawa ng ceremonial moves bilang hudyat ng pagbubukas ng three-day tournament (7 Hulyo, 13 Hulyo, 14 Hulyo) na pinasiyaan nina Philippine Xiangqi Federation President Wilson Zhou, VP Ben Jen Kwok, VP Tan Peyton, VP Ryan Chua, former President Johnson Cu at former President Manuel Tan.

Para sa dagdag atraksiyon sa Filipino participants, ipinahayag ni Xiangqi Federation President Wilson Zhou na ang top 3 Filipinos sa Group B ay makatatangap ng P10,000, P5,000 at P3,000, ayon sa pagkakasunod.

Kung Filipino player ang papalaring makasungkit ng 1st at 2nd placers sa Group B ay magsusubi ng tumataginting na P500,000 at P100,000, ayon sa pagkakasunod.

Sa future event, kung Filipino participants ang makakukuha ng 1st at 2nd placers sa Group A ay mag-uuwi ng P1 milyon at P500,000 ayon sa pagkakasunod.

“We offer bigger prizes to attract more Filipino to participate in Xiangqi Open tournament,” ani Xiangqi Federation President Wilson Zhou. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

FIFA certification test ipinatupad sa Rizal Memorial Stadium Complex (RMSC) football field

FIFA certification test ipinatupad sa Rizal Memorial Stadium Complex (RMSC) football field

ISINAILALIM sa Federation Internationale de Football Association (FIFA) certification test nitong Huwebes ang bagong-gawang Football …

Antonella Berthe Racasa

Racasa kampeon sa Battle of the Calendrical Savants Tournament

NAPASAKAMAY ni Woman National Master at Arena FIDE Master Antonella Berthe Racasa sa mismong Araw …

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

GINAPI ng Table Tennis Association for National Development (TATAND)-Joola ang Team Priority, 2-0, para angkinin …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …