I-FLEX
ni Jun Nardo
NAUNAHAN nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos na gumawa ng GL (girl love) movie sina Janella Salvador at Jane de Leon.
Nakagawa na ng GL series sina Glaiza at Rhian sa GMA, ang The Rich Man’s Daughter. Ilang taon na natapos ang mapangahas na series.
Samantalang sina Janelle at Jane, sa TV series na Darna nagsimula ang pagsi-ship sa kanila. Eh lumubog na yata ang barko kaya wala nang balita kaugnay nito. Hahaha!
First movie together nina Rhian at Glaiza ang GL movie. Eh nang mauso kasi ang BL (boy love) series na movie noong pandemic, bakit hindi naman daw gumawa ng GL?
So heto na at kung gaano ito kapangahas, well, well, well…