Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jalosjos chess tournament

Bernil nagpakitang gilas sa Jalosjos chess tournament

Dapitan City, Zamboanga del Norte — Muling nagdala ng karangalan si Noel “Nonoy” Bernil, Jr., sa Tanjay, Negros Oriental matapos makisalo sa unahang puwesto sa  boys’ Under-12 division ng Mayor Seth Frederick “Bullet” P. Jalosjos National Age Group Chess Championships Grand Finals na ginanap sa Dapitan City Sports Complex, Zamboanga del Norte kahapon, 23 Hunyo 2024.

Tinalo ng 12-anyos na chess wizard si Jerrick Roose Albert ng Bicol sa huling round gamit ang puting piyesa. Nagtapos si Bernil ng 6.0 puntos sa anim na panalo at isang talo sa pitong round Swiss-system rapid tournament, na umakit ng mga manlalaro mula sa buong Filipinas.

Nakatapos si Bernil sa tuktok kasama si Justin Jed Ortillo ng Cabuyao City, Laguna, na nagpabagsak kay John Curt Valencia ng Dasmariñas City, Cavite.

Gayonman, si Ortillo ay nakakuha ng unang puwesto pagkatapos ng tiebreak.

“I am very happy with my victory because almost all of the top players in the country joined the tournament,” sabi ni Bernil na nagtapos ng Elementarya sa Plaza Central School sa Tanjay City, Negros Oriental.

“I would like to thank my father (Engr. Noel) and my mother (Mary-Ann) for supporting my participation in the Mayor Seth Frederick “Bullet” P. Jalosjos National Age Group Chess Championships Grand Final,” ani Nonoy, tinawag na ‘amiable’ ng mga chess friends, na pambato ng Tanjay City Chess Club. Ang batang Bernil ay ang 2023 National Youth and Schools Chess Champion.

Nauna rito, nagsagawa si Mayor Seth Frederick “Bullet” P. Jalosjos at Princess Rane Magallanes ng mga ceremonial moves sa pagsisimula ng isang araw na torneo na dinaluhan nina dating Dipolog City Vice Mayor Edelburgo “Bebs” Cheng, NCFP Director Engr. Rey Cris Urbiztondo, NCFP CEO Jayson Gonzales, Chief Arbiter IA Reden Cruz, at Mam Sendelyn Magallanes.

Ang iba pang mga kilalang nanalo ay sina Hannah Segara (U-12 Girls), Jaymiel Piel, at Tyrhone James Tabernilla (U-18 Boys), Jersey Marticio at Jirah Floravie Cutiyog (U-18 Girls).

Samantala, nagpapatuloy ang aksiyon kapag nagsimula na ang standard chess competition ngayong Lunes, 24 Hunyo 2024. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …