IPINAKITA ng anak ng Pangulo na si William Vincent “Vinny” Araneta Marcos ang pagmamalaki at kompiyansa habang pinangunahan ang ceremonial launching ng first-time at solo hosting ng bansa na FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025 noong Martes ng gabi sa SM Mall of Asia Arena.
“Kami ay ipinagmamalaki at kompiyansa sa pagho-host ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025,” sabi ng 27-anyos bunsong anak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa seremonya na ginanap sa pagitan ng opening-day match ng Volleyball Nations League (VNL) Men’s Week 3 sa Pasay City Arena.
Si Marcos ang namumuno sa Local Organizing Committee (LOC) ng world championship sa 12-28 Setyembre 2024 na sabayang itinakda sa MOA Arena at sa Smart Araneta Coliseum.
Pormal na ibinigay ni Volleyball World CEO Finn Taylor ang ceremonial ball ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025 kay Marcos at sa LOC co-chairs na sina Senators Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano, Tourism Secretary Maria Esperanza Christina Garcia Frasco, Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann.
Pinangunahan ni Philippine National Volleyball Federation president Ramon “Tats” Suzara, bilang LOC president at CEO, ang seremonya kasama sina Asian Volleyball Confederation president Rita Sibowo at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano. (HATAW News Team).