Friday , November 22 2024
Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3
HANDA nang hatawin ang bola sa opensa ni Darlan Ferreira Souza (28) ng Brazil sa taas kamay na depensa nina Maarten Van Garderen (3) at Fabian Plak (8) ng Netherlands. Nasayang ang 38 puntos ni Nimir Abdel-Aziz (14) ng Netherlands sa unang kabiguan. (HENRY TALAN VARGAS)

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

PASAY CITY – Bumangon ang Brazil mula sa first-set loss para talunin ang Netherlands sa pagsisimula ng Volleyball Nations League (VNL) Men’s Week 3 sa SM Mall of Asia (MOA) Arena noong Martes ng gabi.

Gumawa si Darlan Ferreira Souza, may 20 attacks, tatlong blocks, at tatlong service aces para pangunahan ang Brazilians sa panalo, 24-26, 25-23, 31-29, 25-20.

Nag-ambag si Lucas Saatkamp ng 12 puntos, habang umiskor si Flavio Resende ng 11 puntos, kabilang ang anim na blocks.

Sa panig ng Netherlands nanguna si counter spiker Nimir Abdel-Aziz na may 38 puntos kabilang ang limang aces.

Nagdagdag si Maarlen Van Garderen ng 15 puntos habang sina Gijs Jorna, Fabian Plak, at Michael Parkinson ay umiskor ng tig-apat na puntos.

About Henry Vargas

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …