Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Maravilla Quizon Chess

FIDE World Junior Chess Championships  
QUIZON NAKISALO SA IKA-2 PUWESTO

Individual Standing After Round 10:

8.0 points — GM Mamikon Gharibyan (Armenia)

7.5 points — IM  Kazybek Nogerbek (Kazakhstan), GM Emin Ohanyan  (Kazakhstan), IM Daniel Maravilla Quizon (Philippines), GM Luka Budisavljevic (Serbia)

MANILA — Nauwi sa tabla ang laban ni Grandmaster (GM) elect at International Master (IM) Daniel Maravilla Quizon kontra kay International Master (IM) Kazybek Nogerbek ng Kazakhstan sa ika-10 at penultimate round para makisalo sa pangalawang puwesto sa FIDE World Junior Chess Championships 2024 sa Radisson Gift City, Gandhinagar, Gujarat, India, Miyerkoles ng gabi.

Naglalaro sa piyesang puti, pumayag si Quizon na tumabla sa 33 pushes ng Sicilian Defense para itaas ang kanyang kabuuang 7.5 puntos, ang parehong output nina Nogerbek, GM Emin Ohanyan ng Kazakhstan, at GM Luka Budisavljevic ng Serbia.

Tinalo ni GM Mamikon Gharibyan ng Armenia si IM Rudik Makarian ng Russia sa 79 moves ng Bogo-Indian defense para umiskor ng 8.0 puntos at makuha ang solong liderato patungo sa huling round nitong Huwebes.

Si Quizon, ang 20th seed, ay susunod na makakalaban si GM Ohanyan na naglalayong maging kauna-unahang Filipino world junior champion o lampasan ang ikatlong puwesto ni Nelson “Jet” Mariano II noong 1994 edition ng torneo.

Ang world junior stint ni Quizon ay sinusuportahan ng Kamatyas Chess Club na pinamumunuan nina NM David Almirol at IM Roderick Riataza Nava. 

Si Quizon, isa sa mga nangungunang manlalaro na star studded sa Dasmariñas Chess Academy sa ilalim ng gabay ni Mayor Jenny Barzaga, ang yumaong kongresista na si Elpidio “Pidi” Barzaga at national coach FM Roel Roel Alcana Abelgas ay kailangan para itaas ang kanyang FIDE rating 2448 hanggang 2500 para makompleto ang GM Title status.

Nakamit na ni Quizon ang 3 GM norms requirements, gayonman, kung nanalo si Quizon ng World Junior crown, bilang panuntunan ng FIDE ay makukuha niya nang outright ang GM title.

Pagkatapos ng Round 10, nakakuha si Quizon ng plus elo standard rating na 13.4 points. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …