Saturday , November 16 2024
7-Eleven

Sa halagang P25,800, 4 cellphones
7-11 NINAKAWAN NG 4 ARMADONG LALAKI CUSTOMERS, CREW  IGINAPOS NG KABLE

TATLONG lalaking nagpanggap na kustomer ang nagnakaw sa 7-11 at hinoldap ang mga tunay na customer at crew sa Calamba City noong Linggo ng madaling araw.

Bukod sa kita ng convenience store, tinangay din ang mga personal na gamit ng mga empleyado at mga customers, kabilang ang alahas at mobile phones.

Sa ulat sinabing pumasok ang armadong kalalakihan sa nasbaing tindahan sa Barangay Batino dakong 4:00 ng madaling araw saka nagdeklara ng holdap.

Mabilis na tinutukan ng baril ang mga tao sa tindahan saka ipinasok sa staff room para doon igapos ng kable.

Gumamit ng bareta ang mga holdaper para buksan ang vault na may lamang P25,800 benta sa maghapon.

Tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksiyon.

Ayon sa pulisyam nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …