Thursday , April 10 2025
Asia ParaTriathlon Championships
ANG MGA NANALO sa PTS4 men category, Jiachao Wang (ginto) ng China, Keiya Kaneko (pilak) ng Japan, at Alex Silverio (bronze) ng Filipinas. Iginawad ang mga medalya ni Atty. Kiro Sta. Maria, OIC Legal Department, ng Subic Bay Metropolitan Authority (HENRY TALAN VARGAS)

Jiachao Wang kampeon sa 2024 NTT Asia Triathlon  Para Championships

MATAGUMPAY na ipinamalas ang lakas at determinasyon ni Jiachao Wang ng China upang angkinin ang gintong medalya sa men’s PTS4 category ng 2024 NTT Asia Triathlon Paralympics Championships sa Subic Bay Freeport, Olongapo City noong Linggo.

May oras si Wang na isang oras, 06 minuto, at 39 segundo para talunin ang Japanese na si Keiya Kaneko (1:12:30) at Pinoy na si Alex Silverio (1:15:55) sa 750m swim, 20.26km bike, at 5km run event.

“I’m happy to win,” sabi ng 32-anyos na si Wang, na ipinanganak at lumaki sa Kunming, Yunnan province. Nawalan siya ng kaliwang braso sa isang aksidente noong siya ay edad 5-anyos.

Matapos gawin ang kanyang debut sa Athens (2004), nakakuha siya ng isang pilak (200m individual medley) at isang bronze (400m freestyle) sa 2008 Beijing Games.

Nagbulsa si Wang ng isang ginto (men’s 4x100m medley relay) at dalawang pilak (4x100m individual medley at 4x100m freestyle relay) sa London (2012).

Si Wang, pumuwesto sa ika-apat sa 2020 Tokyo Paralympics, ay nakatapos ng World Triathlon Level 2 coach certification course sa South Korea noong 23 Mayo.

Si Silverio, tubong Compostela town sa Cebu, ay nasiyahan sa kanyang pangatlong puwesto.

“Hindi ko inaasahan na maka-podium finish kasi maraming magagaling na atleta sa category ko.”

Samantala, tinalo ng Filipino na si Edison Badilla (1:35:36) ang kababayang si Jake Lacaba (1:41:18) sa men’s PTS2 category kung saan sila lang ang mga entry.

Ang Japan ang may pinakamaraming bilang ng gintong medalya sa anim, mula sa Kimura Jumpei (men’s PTWC), Tsutomo Nagata (men’s PTS5), Satoru Yoneoka (men’s PTVI), Yukako Hata (women’s PTS2), Mami Tani (women’s PTS4), at Riyo Kogama (women’s PTS5).

Nasungkit ng South Korea ang isang gintong medalya sa kagandahang-loob ni Kim Hwang Tae sa men’s PTS3 category, habang si Aitunuk Zhoomart Kyzy ng Kyrgyzstan ang nanguna sa women’s PTVI class.

Ang mga kalahok ay mula sa Japan, China, Korea, India, Krygyztan, at Kingdom of Saudi Arabia.

Ang torneo ay inorganisa ng Triathlon Philippines (TriPhil) katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), sa pahintulot ng Asia Triathlon at World Triathlon at may suporta mula sa Philippine Sports Commission, Pinay in Action, Asian Center for Insulation, Gatorade – ang opisyal na hydration partner, Standard Insurance at Western Guaranty Inc., at Subic Bay Travelers Hotel. (HATAW News Team)

About Henry Vargas

Check Also

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

Grand rally FPJ Panday Bayanihan, dinagsa ng Bicol supporter

FPJ Panday Bayanihan Partylist, dinagsa sa Bicol

LIBO-LIBONG Bicolano ang dumagsa sa kalsada upang tunghayan ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan …

TRABAHO Partylist umiigting pa ang kampanya

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

MAS PINAIGTING ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula …

Arrest Shabu

Buy-bust ops sa Arayat, Pampanga
P6.8-M shabu nasabat, big time HVT tiklo

MATAGUMPAY na nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba ng Arayat MPS Station Drug Enforcement …

Victor Lim FFCCCII

Industrialist Victor Lim elected as new president of FFCCCII

MANILA, PHILIPPINES – The Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) …