Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Concio Jr Chess

IM Concio, Jr., nagkampeon sa 64th San Carlos Charter Day Open Rapid Chess Tournament

SAN CARLOS CITY — Nagwagi si International Master (IM) Michael Concio, Jr., sa 64th San Carlos Charter Day Open Rapid Chess Tournament sa Marina Park, San Carlos City, Negros Occidental nitong Linggo, 2 Hunyo 2024.

Nagtala si Concio ng 8.5 puntos upang angkinin ang pitaka ng kampeon na P54,000 at isang tropeo sa nine-round Swiss system tournament, na pinagsama-samang inorganisa ng San Carlos City LGU at sportsman/businessman na si Henry Silva.

“Nais kong ialay ang tagumpay na ito sa yumaong (Cavite 4th District) na si Cong. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., Mayor Jenny Barzaga, at national coach FIDE Master Roel Abelgas,” sambit ng 18-anyos Information Systems freshman sa Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas City, Cavite.

Tinalo ni Concio sina Nina Dela Torre sa unang round, Trine Olmedo (2nd), Edsel Vosotros (3rd), Melito Ocsan, Jr. (4th), NM Edsel Montoya (5th), Kevin Arquero (6th) GM Darwin Laylo (7th), at FM Alekhine Nouri (ika-8).

Na-draw niya si Michel Jacson Ambuang sa ikasiyam at huling round.

Si IM Jan Emmanuel Garcia mula Maynila, ay tumanggap ng P20,000 para sa pagtatapos na pangalawa habang ang third placer na si Nouri ay nag-uwi ng P15,000.

Pang-apat si Laylo, kasunod sina Chin Lim, Ambuang, Arquero, Montoya, FM Christian Gian Karlo Arca, at NM Rommel Ganzon. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …