Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Apostle Arsenio Ferriol

Ilang kilalang politiko nakiramay sa pamilya ni PMCC founding leader Apostle Arsenio Ferriol

DUMATING sa lamay ni founding leader at Chief Executive Minister ng Pentecostal Missionary Church of Christ (PMCC) na si Apostle Arsenio Ferriol sa Imus, Cavite ang ilang batikang politiko na kinabibilangan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga kongresista at mga senador upang ipaabot ang kanilang pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Apostle Ferriol.

Kabilang sa mga dumating si Senador Sherwin “Win” Gatchalian na nagpahayag ng kalungkutan sa pagkawala ng kaibigang leader ng PMCC.

Aniya, napakabuting leader, kaibigan at mensahero ng Panginoon si Apostle Ferriol, at malaking kawalan para sa mga kababayan dahil sa kanyang patuloy na pagtulong sa lahat ng mamamayan na walang pinipiling relihiyon na kinaaniban.

Ayon kay Bishop Jonathan Ferriol, anak at Deputy Executive Minister ng PMCC, bukod kay Gatchalian dumating rin sa lamay ng kanyang ama ang ilang alkade ng iba’t ibang lungsod at munisipalidad, ang mga mambabatas na sina Senador Christopher “Bong” Go,  Senator Francis Tolentino,  Senador Joel Villanueva, at marami pang iba.

Aniya, kaya tinawag na Goodman of the House si Apostle Ferriol dahil lahat ay kanyang kaibigan at tinutulungan kahit anong partido pa ang kinaaaniban.

Tiniyak ni Bishop Jonathan Ferriol na kanilang ipagpapatuloy ang kanilang outreach program tulad ng medical mission matapos ang kanilang pagluluksa sa malaking kawalan ni Apostle Ferriol.

Sa huli, binanggit ni Bishop Ferriol na nakatakdang dalhin sa huling hantungan ang kanyang ama na si Apostle Arsenio Ferriol sa 18 Hunyo sa Malagasang sa Imus, Cavite. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …