Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NAIA arrest

Blacklisted Malaysian nagtangkang pumuslit arestado sa NAIA

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang blacklisted Malaysian national na nakatakdang sumibat papuntang Kuala Lumpur.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansinco, nahuli ang 38-anyos Malaysian na si Chong Wei Keong, matapos magbigay ng impormasyon sa BI ang mga impormante tungkol sa kanyang nalalapit na pag-alis sa bansa.

Nabatid na si Chong ay na-blacklist ng BI noong nakaraang taon matapos siyang tanggihan ng mga opisyal ng Immigration dahil sa kabiguan nitong ipaliwanag ang layunin niya sa paglalakbay sa Filipinas.

Nakakulong na si Chong a BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin ang deportation proceedings. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …