NAKAMIT ng Pilipinas ang kauna-unahang bronze medal sa Asian Volleyball Confederation (AVC) matapos ang panalo laban sa Australia, 25-23, 25-15, 25-7, sa finale ng 2024 AVC Challenge Cup for Women sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.
Napanatili ng Vietnam ang titulo ng AVC Challenge Cup for Women pagkatapos ng finals sweep kontra Kazakhstan.
Pinangunahan ni Angel Canino ng Alas Pilipinas na may 14 puntos, habang si Sisi Rondina may 13 puntos sa labing isang spike at dalawang ace, may 10 point performance naman si Eya Laure ganun din si Thea Gagate at may pitong puntos rin si Fifi Sharma..
Sa kabilang banda, natamo ng Australia ang ikaapat na puwesto.
Ginawaran si Angel Canino ng Best Opposite Spiker award habang si Alas Pilipinas team captain Jia De Guzman itinanghal na Best Setter. (HENRY TALAN VARGAS)