Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Henry Roger Lopez Chess

Panabo Knights Chess Club nanguna sa ACAPI chess winners

MANILA — Inihayag ni ACAPI (Association of Chess Amateurs in the Philippines, Incorporated) President Arena Grandmaster, Engineer Rey Cris Urbiztondo na ang awarding para sa katatapos na 1st President’s Cup 2024 ACAPI Online Chess Tournament ay gaganapin ngayong Martes, 28 Mayo 2024 sa isang online Zoom meeting sa 7:00 pm.

Pinangungunahan ng Panabo Knights Chess Club ni National Master Henry Roger Lopez ang mga mananalo. Napanalunan ng Panabo Knights ang kampeonato sa Open Division at Youth Division. Pumapangalawa sila sa Senior Division at PWD Division.

“Due to the excellence shown by the Panabo Knights Chess Club , they will be awarded the overall champion with a corresponding prize in addition to the prize in each division,” paliwanag ni ACAPI President AGM Urbiztondo.

Nagwagi rin ang Davao Durianburg Stallions ni National Arbiter Ely Acas sa PWD Division, pangalawa sa Open Division at pangatlo sa Female Division.

Ang Imus Cefag PPKGCC ni coach Boyet Tardecilla ay nagreyna sa Female Division at pangatlo sa PWD Division.

Gayondin ang Las Piñas TFCC CMC ni Coach Ferdinand Reyes na pumangalawa sa Female Division at pangatlo sa Open Division at Senior Division.

Nasungkit ng Tuguegarao A ang kampeonato sa Under 12 Division at pangatlo ang Tuguegarao C habang pumangalawa sa Under 12 Division ang Laoag Sunshine City ni IM Ronald Bancod.

Samantala, inukit ng apat na tao sa Madridejos Knights Chess Club ang kanilang pangalan bilang kauna-unahang senior division champion ng Association of Chess Amateurs of the Philippines, Inc. (ACAPI) President’s Cup online tournament.

Pinangunahan ni playing team owner Engr. Josito “Jojo” Clamor Dondon na nakabase sa Texas, United States, nakompleto ng Madridejos Knights ang malinis na sweep sa Panabo Knights Chess Club ng Davao del Norte sa kanilang four-round championship match para masungkit ang makasaysayang korona.

“Our constant practice greatly helped us in getting the championship title,” sabi ni Dondon, isang Arena International Master at US Candidate Master na businessman at professional day trader sa US stock market na nagpapasalamat sa ACAPI officials sa magiting na pamumuno ni president AGM Urbiztondo sa success ng inaugural online tournament na ginanap sa Chess.com Platform.

Nagpahayag ng pasasalamat si ACAPI President AGM Urbiztondo sa lahat ng lumahok gayondin sa mga bumubuo ng opisyal ng ACAPI para sa matagumpay na online tournament.

Binanggit din niya na ang susunod na ACAPI Tournament – Second Conference ay iho-host ni Atty. Jong Guevarra. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …