Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cavinti PNP

Sa Buy-bust Operation ng Cavinti PNP
2 Street Level Individual (SLI) arestado, baril at iligal na droga kumpiskado

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang dalawang street level individual (SLI) sa ikinasang drug buybust operation ng Cavinti PNP na nakompiskahan ng hinihinalang ilegal na droga at loose firearms.

Kinilala ni P/Col. Gauvin Mel Y. Unos, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas Randy at Christian.

Sa ulat ni P/Cpt. Sergio C. Amaba, Jr., hepe ng Cavinti Municipal Police Station, nagkasa ang mga operatiba ng drug buybust operation nitong 19 Mayo 2024, dakong 11:20 pm sa Brgy. Duhat, Cavinti, Laguna, na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas Randy at alyas Christian matapos magbenta ng hinihinalang ilegal na droga sa nagpanggap na poseur buyer kapalit ang marked money.

Iniulat na ang mga nakompsika sa mga suspek ay apat na pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang isang gramo at nagkakahalaga ng P6,900, isang unit ng kalibre .38 revolver, mga bala, coin purse na nakuha sa mga suspek, at ang ginamit na marked money.

Sa kasalukuyang nasa kustodiya ng Cavinti MPS ang arestadong mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa mensahe ni Acting Provincial Director ng Laguna PPO na si P/Col. Unos, “Ang pagkakadakip ng pulisya sa dalawang suspek na ito ay isang paraan upang mapigilan ang iba pang krimen na maaari nilang kasangkutan, lalo na’t sila ay nasa impluwensiya ng ilegal na droga at armado ng baril. Ang inyo pong pulisya ay walang pinipiling oras upang ipatupad ang batas, ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng ating mamamayan.” (RODERICK PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …