Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christian Gian Karlo Arca Dau Khuong Duy
MAKIKITA si FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca ng Dasmariñas City, Cavite, Filipinas (kanan) na naglalaro laban kay Candidate Master (CM) Dau Khuong Duy ng Vietnam.

Sa Ha Long Ward, Ha Long City, Vietnam  
ARCA NATAMO 2nd IM NORM SA QUANG NINH GM2 CHESS TOURNAMENT

ni MARLON BERNARDINO

Final Standings:

6.0 puntos—FM Christian Gian Karlo Arca (Filipinas)

5.5 puntos—CM Dinh Nho Kiet (Vietnam)

5.0 puntos—IM Michael Concio Jr. (Filipinas), GM Nguyen Anh Dung (Vietnam)

4.5 puntos—GM John Paul Gomez (Filipinas), IM Liu Xiangyi (Singapore)

4.0 puntos—IM Lou Yiping (China), CM Dau Khuong Duy (Vietnam)

3.5 puntos—GM Tran Tuan Minh (Vietnam)

3.0 puntos—IM Setyaki Azarya Jodi (Indonesia)

MANILA — Nakahati ng puntos si FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca ng Filipinas laban kay Candidate Master (CM) Dau Khuong Duy ng Vietnam sa huling round upang makuha ang kanyang pangalawang International Master norm sa Quang Ninh GM2 chess tournament sa Ha Long Ward, Ha Long City, Vietnam kahapon, Linggo,19 Mayo 2024.

Si Arca, na naglaro sa piyesang itim, ay nagtapos sa 67 galaw ng Caro Kann Defense, advance variation.

Ang 15-anyos na manlalaro mula sa Dasmariñas City, Cavite ay nagtapos ng round robin tournament na may 6.0 puntos sa tatlong panalo at anim na tabla upang makuha ang inaasam na titulo sa chess, na inorganisa ng Viet Nam Chess Federation.

Ang iba pang mga tabla ni Arca ay laban kina Grandmaster (GM) Nguyen Anh Dung ng Vietnam (Round 1), International Master (IM) Michael Concio, Jr., ng Filipinas (Round 4), International Master (IM) Liu Xiangyi ng Singapore (Round 6), Grandmaster (GM) John Paul Gomez ng Filipinas (Round 7) at Candidate Master (CM) Dinh Nho Kiet ng Vietnam.

Natalo niya ang International Master (IM) Yiping Lou ng China (Round 2), International Master (IM) Azarya Jodi Setyaki ng Indonesia (Round 3) at ang top seed Grandmaster (GM) Tran Tuan Minh ng Vietnam (Round 5).

Ang Grade-9 estudyante mula sa Dasmariñas Integrated High School ay nakakuha ng 62.8 ELO points mula sa Vietnam event, na idaragdag sa kanyang rating na 2265 simula 1 Mayo 2024.

Si Christian ay kabilang sa mga nangungunang manlalaro ng bituing Dasmariñas Chess Academy ni Mayor Jenny Austria-Barzaga at pambansang coach na si FIDE Master Roel Abelgas.

“Masayang-masaya si Christian na makuha ang kanyang pangalawang IM norm sa torneo. Kailangan niya ng isa pang norm upang makompleto ang kanyang IM title, kaya’t talagang motivated siya,” sabi ni Abelgas.

“Muli kong iniaalay ang aking tagumpay sa aking mga kababayan lalo na kay yumaong Cong. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., at Kay Sir Alex Albano Apsay Ng Alaska. Ipinagmamalaki kong katawanin ang ating bansa,” sabi ni Arca na nakuha rin ang kanyang unang IM norm sa 18th IGB Dato’ Arthur Tan Malaysian Open Chess Championships na ginanap noong 28 Agosto hanggang 3 Setyembre 2023 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Upang maging IM, kailangan ng isang manlalaro na makuha ang tatlong norms sa loob ng 27 o higit pang mga laro at isang FIDE rating na 2400 o higit pa. Ang ELO ay isang rating system upang sukatin ang antas ng kasanayan ng mga manlalaro.

Samantala, si Christian, mula sa Panabo City, ay nakatakdang lumahok sa Hanoi GM closed tournament mula 21-26 Mayo 2024 sa Hanoi, Vietnam. Sasali rin siya sa 8th Eastern Asia Youth Chess Championship sa 12-21 Hulyo 2024 sa Penang, Malaysia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …