Wednesday , May 7 2025
Most wanted sa Laguna arestado sa manhunt ops

Most wanted sa Laguna arestado sa manhunt ops

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang most wanted person ng CALABARZON sa manhunt operation ng Calauan MPS kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Col. Gauvin Mel Y. Unos, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas John, residente sa Calauan, Laguna.

Sinabi sa ulat ni P/Maj. Melencio V. Arcita, hepe ng Calauan Municipal Police Station MPS, nagkasa ang kanilang mga operatiba ng manhunt operation dakong 4:55 pm nitong 16 Mayo 2024 sa Brgy. Lamot 2, Calauan, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto ng nasabing akusado.

Si alyas John ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Assisting Judge of Regional Trial Court, Branch 107, Los Baños, Laguna na nilagdaan ni Hon. Rene Deveza Natividad, Presiding Judge ng nasabing korte.

Nahaharap ang akusado sa kasong Murder at Frustrated Murder” na walang kaukulang piyansa.

Sa kasalukuyan ang arestadong akusado ay nasa kustodiya ng Calauan MPS. Agad inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto ng akusado.

Sa mensahe ni Acting Provincial Director ng Laguna PPO na si P/Col. Unos, “Sa pagkakaaresto sa taong ito, makakamit na rin ng mga biktima ang hustisya. Maraming salamat sa mga mamamayan ng Laguna na tumutulong upang mahuli at mapanagot ang mga nagtatago sa batas.”  (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …