Wednesday , June 26 2024
Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo ang Laguna Regional Hospital sa bayan ng Bay.

Sa pagsisikap ni Congresswoman Ruth Hernandez, naisulong at naisabatas ang pagkakaroon ng isang Level III General Hospital sa lalawigan ng Laguna.

Petsang 9 Marso 2021 nang ipasa ni Congw. Hernandez sa Kongreso ang panukalang batas na naglalayong magpatayo ng Laguna Regional Hospital sa lalawigan, ito ay isinulong upang ilapit sa mga kalalawigan ang maayos na serbisyong medikal.

Naganap noong 12 Disyembre 2023 ang Third Reading sa Kongreso ng panukalang batas ni Congw. Hernandez na House Bill 9623.

Kasunod nito, nagsawaga ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna ng pagpirma ng Deed of Donation sa Department of Health (DOH) ng nasa mahigit dalawang ektaryang lupa sa bayan ng Bay.

Noong 12 Marso 2024, tinalakay sa Public Hearing ng Senate Committee on Health and Demography ang importansiya ng pagkakaroon ng isang Level 3 General Hospital sa ating lalawigan na maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagsasabatas ng House Bill 9623 ni Congw. Hernandez.

Sa kasalukuyan, isinagawa ang groundbreaking ceremony ng itatayong Laguna Regional Hospital sa bayan ng Bay.

Pinaniniwalaang sa pamamagitan nito ay mas mapapalakas at mapapalawak ang public health care system sa lalawigan.

Lubos ang pasasalamat ni Congresswoman Ruth Hernandez sa pagsisikap na maging isang batas ang House Bill 9623. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

BSP DILG Paleng-QR Pulilan

BSP, DILG inilunsad ang Paleng-QR Ph Program sa bayan ng  Pulilan

UPANG matiyak ang mabilis, ligtas, at tumpak na transaksyon, pinangunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas …

San Miguel Bulacan

Mag-asawa tinarget ng tatlong kawatan

ISANG mag-asawang kararating lang sa kanilang bahay ang pinagnakawan ng tatlong hindi pa nakikilalang kawatan …

arrest, posas, fingerprints

7 tulak, wanted na estapador natiklo

NAGSAGAWA ng serye ng operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng iligal …

PNP PRO3

Regional police director sa Central Luzon iimbestigahan sa ilegal na POGO

ANG REGIONAL police director ng Central Luzon ay nasa ilalim ng imbestigasyon kasunod ng pagkakadiskubre …

arrest, posas, fingerprints

No. 3 MWP ng Leyte  
NAARESTO SA CALOOCAN

ARESTADO ang isang lola na nakatala bilang No. 3 most wanted person (MWP) sa Leyte …