Friday , November 15 2024
Ronald Dableo Reu Gabriel Sebolino Jan Emmanuel Garcia Ranier Pascual
MAKIKITA sa larawan ang Grandmaster Candidate at International Master Ronald Dableo (ika-3 mula kaliwa) na tumatanggap ng kanyang P10,000 cash prize at isang magandang tropeo sa kagandahang-loob ng host na sina AGM Reu Gabriel Sebolino (ika-2 mula kaliwa), at IM Jan Emmanuel Garcia (ika-4 mula sa kaliwa). Nasa larawan din si National Arbiter Ranier Pascual ng Kaizen Knights Concepcion Dos Chess Club.

Dableo naghari sa Sicilian Prodigy tilt

WINALIS ni Grandmaster Candidate at International Master Ronald Dableo ang lahat ng kanyang mga nakatunggali at matagumpay na natamo ang

iskor na perfect 7.0 puntos para maghari sa katatapos na Sicilian Prodigy 1st Edition FIDE-rated Rapid Open Chess Tournament na ginanap noong Linggo, 12 Mayo sa Robinsons Metro East sa Pasig City.

Binuksan ni Dableo, head coach ng multi-titled University of Santo Tomas chess team at miyembro ng star-studded Philippine Army chess team ang kanyang kampanya sa panalo kay Jan Carlsen Matencio pagkatapos ay sinundan ito ng mga tagumpay laban kina Patrick Bonifacio, AFM Ritchie James Abeleda, WNM Lexie Grace Hernandez, Kevin Arquero, Luffe Magdalaga, at NM Ivan Travis Cu.

Ang kanyang pagtakbo ay isang testamento ng kanyang kahusayan sa English Opening.

Ibinulsa ni Dableo ang P10,000 cash prize at isang magandang tropeo sa kagandahang-loob ng host na sina AGM Reu Gabriel Sebolino at IM Jan Emmanuel Garcia sa mahigpit na pakikipagtulungan kay National Arbiter Ranier Pascual ng Kaizen Knights Concepcion Dos Chess Club at Robinsons Malls.

“I am happy to have won the Sicilian Prodigy 1st Edition FIDE-rated Rapid Open Chess Tournament. I wish that my luck will remain the same in my next tournament,” sab ng 45-anyos na si Dableo, na sinuportahan ng Philippine Army at ng University of Santo Tomas.

Ang dating 3.2 Vungtau, Vietnam Asian Zonal champion na si Dableo, kasalukuyang may FIDE rating na 2364, ay kailangang maabot ang 2500-rating na talampas upang pumasok sa elite GM club ng bansa na kinabibilangan ng unang GM ng Asia na sina Eugene Torre, Wesley So, at Mark Paragua.

Sina Magdalaga, Arquero, at Jerry Areque ay tumapos sa likod ni Dableo na may magkaparehong 6.0 puntos, habang sina Hernandez, IM Paulo Bersamina, at Sherwin Tiu ay may tig-5.5 puntos. (MARLON BERNARDINO)

About Henry Vargas

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …